Kabababa ni Emma sa tricycle, masaya siya habang papasok ng kanilang gate pano ba naman mukhang wala na talaga siyang problema dahil umalis na si Marikit at kahit si Conran ay hindi alam kung saan ito nagtungo. Mukhang matutupad na rin ang pangarap niyang magkasama na sila ulit ni Conran. Pasipol-sipol pa siya habang papalapit sa terrace pero nagulat siya ng biglang bumukas ang main door at iniluwa niyon ang ate Amanda niya na tila galit na galit. Ni hindi pa nga siya nakakabawi at mabilis itong tumakbo papalapit sa kanya at mag asawang sampal agad ang pinadapo nito sa kanyang pisngi. "Hayop ka talagang babae ka napaka walang hiya mo! Pati anak ko ginawan mo ng ka-demonyohan ng dahil sayo nawala ang apo ko! Napakasama mo talaga ang babae ka! Ngayon paano na yan, nawawala ang anak ko!

