(Lena) Dumating ang gabi ng birthday celebration ni Sasha at pumunta ako. Nahihiya naman kasi akong hindi ko paunlakan eh ang laki-laki ng utang na loob ko sa kanya kaya simpleng pagpunta lang, hindi ko pa ba gagawin? Mag-isa lang ako kasi hindi makakapunta si Bambi. Invited din sana ‘yon eh saka gusto rin sanang pumunta kaya lang nagkataon ding monthsary nila ng jowa niya at may inihanda ‘yon na dinner date para sa kanilang dalawa. Kaya heto ako, solo flight. “Lena, buti nakapunta ka!” masayang sinabi sa akin ni Sasha nang makalapit ako sa kinaroroonan nila. Sa tabi niya ay ang asawang si Zander at ang anak nilang si Brooklyn. Nginitian ko siya saka binati. “Happy birthday, Sasha.” “Thank you so much, my dear.” Nagbeso kami. Nang matapos magbeso, ang excited, hyper at masayang si Len

