TUMIKHIM si Rick. Alam kong nakalimutan na niyang nabanggit ko ang tungkol diyan dati dahil siya din naman nang sinabi ko ‘yon ay busy’ng-busy din siya. “Pero ano ba naman ‘yan? Ba’t hindi mo kaagad sinabi sa akin na lalaki pala ang makaka-partner mo?!” puno ng inis at pagkainit ng kanyang ulo na sinabi niya. Kahit ako’y napakunot ng noo at naiinis na rin sa tonong ginagamit niya sa akin. “Eh bakit, nagtanong ka ba?! Natural, sa sobrang busy ko at sa sobrang busy mo rin, maraming pagkakataong wala na tayong panahong sinasayang para magkuwentuhan! Kapag naman binanggit ko sayo, more or less, nakakalimutan mo rin! ‘Di ko sinabi sayo kasi ‘di ka naman nagtatanong!” “At pinalalabas mo pang kasalanan ko ngayon kung bakit gabing-gabi na’y nanlalalaki ka pa, at sa Messenger chat pa!” Nag-uumpi

