“KANINA ka pa ba dito?” Nakangiting umiling si Celine. “Hindi naman, medyo lang pero tama lang din naman dating mo.” Ngumiti rin ako’t tumango saka naupo na sa katapat niyang upuan. Nilapitan kami ng crew at tinanong tungkol sa aming order. Pareho naman kami ni Celine na kape lang yung in-order. At ‘yon na nga. Nag-umpisa siyang magkwento sa akin ng tungkol sa kanilang dalawa ni John, na panay daw ang away nilang mag-asawa these past few days kahit na sa pinakamaliliit na bagay. Naintindihan ko siya kasi kahit kami nga ni Rick na hindi kasal pero nagsasama ay ganoon din. I adviced her some things na tingin ko makakabuti sa sitwasyon niya at sa ikapapanatag ang kanyang loob at isip. She was then thankful to me after our long conversation, ‘ni hindi nga namalayang halos mag-i-

