64- "Second chance."

1521 Words

(Rick) Nagsisisi akong nakikitang umiiyak ngayon sa harapan ko ang babaeng nagbigay sa akin ng panibagong sigla noong minsan akong nalubog sa masalimuot na relasyon. Nasaktan ko si Corrine at gusto kong bugbugin ang sarili ko habang pinanunuod ang bawat pagpatak ng luha niya. Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Lena, ipinagtapat ko ang lahat kay Corrine. Wala akong tinago sa huli, sinabi kong may nangyari sa amin ng ex-girlfriend ko. Tinanggap ko rin ng buong-buo ang malutong na sampal na iginawad niya sa akin matapos kong sabihin ang bagay na 'yon sa kanya. Ayokong magtago o magsikreto, kaya kahit alam kong kamumuhian niya ako, pinili ko pa ring sabihin at ipagtapat sa kanya ang nangyari. "Patawarin mo ako, Corrine. Patawarin mo ako, nagpadala ako sa emosyon ko at sa bugso ng damdamin k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD