Napalingon ako sa malamig na boses na nagsalita mula sa likuran ko. “Rick!” masayang sambit ko sa pangalan niya. Nilapitan niya ako. Nanatiling malamig ang awra niya, madilim at seryoso ang mukha niya habang nakatitig ang mga mata sa aking mga mata. “Anong ginagawa mo rito?” ulit niya. Hindi na ako nagsayang pa ng pagkakataon. I threw myself to him. Niyakap ko siya ng napakahigpit. “Rick, I’m sorry. I’m really sorry. Alam kong maling-mali ang ginawa ko sayo for the past three years. Iniwan kitang bigla sa ere, ‘ni wala akong anumang sinabi o paalam. Patawarin mo ako, pinagsisisihan ko na lahat ng ‘yon. Kung maibabalik ko lang ang oras at pagkakataon, hinding-hindi ko na ulit gagawin sayo ang ginawa ko noon. Sorry talaga. Mahal na mahal pa rin kita, at hindi ko kayang makitang pagmamay-

