Napapangiti ako habang nakatingin ako kay Blue na mahimbing na natutulog sa aking tabi. He sleeps like a baby. Ang sarap niya pagmasdan na tulog habang mahinang humihilik. Kanina pa siya tulog samantalang ako ay nahihirapan na makasungkit ng antok. Paghiga pa lang namin sa kama ay natulog na siya. Alam kong pagod siya sa trabaho ko kaya naiintindihan ko kung lagi na lang siyang knockdown. Ako talaga ay hindi dalawin ng antok. Paano naman kasi oras-oras akong naiihi. Hinihintay ko na lang talaga na kusa akong hilahin ng antok para makatulog na rin ako. Natukso ako na kapain ang buhok ni Blue habang nakatitig ako sa kanya. Dinama ko ang lambot nito at pagkatapos ay nilapit ko ang aking ilong para amuyin ang bango niya rito. "Amoy baby!" I said while giggling. Bakit ako amoy k**i? Kahit

