"Blue!" Nilingon ko si Vince na siyang tumawag sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko si Nerissa na ang tumatawag sa akin. Tinakasan ko kasi ang babaeng iyon lalo na at ginawa niyang way ang maeeting kanina para makalapit sa akin. Kung hindi lang dahil sa kanyang ama na nakatingin sa amin ay hindi ko talaga hahayaang makalapit ang babaeng iyon sa akin. "Huwag ka munang umuwi, Blue," ani pa ni Vince na medyo hinihingal sa kakatakbo. Natigil naman ako sa paglapit sa sasakyan ko at hinarap siya. Kumunot ng bahagya ang noo ko nang mapansin ang ibang kaibigan namin na papunta rin sa akin. ''Oh? Bakit? Akala ko ba nakauwi na kayo?" tanong ko kay Vince na siyang unang lumapit sa akin. Tapos ay sinulyapan ko sina Erwin at Zeke na palapit na rin at may kanya-kanyang katawagan sa cellp

