Nagpasya akong manatili na lang sa tabi ni Alessandria pagkatapos kong makita na nilapitan siya ng dalawang lalaki habang wala ako. Nakapagtimpi pa ako sa lagay na 'yon kahit na gusto ko ng manapak dahil sa pangungulit ng mga ito sa asawa ko. "Kanina ka pa ba kinukulit ng dalawang 'yon, babe?" hindi nakatiis na tanong ko. Hindi ko kasi nakita ang buong pangyayari. Hindi ko rin alam kung gaano na katagal silang nag-uusap dahil pag-ahon ko para puntahan siya sa pwesto na inuupuan niya, nakita ko na lang na nakalahad ang kamay noong isang lalaki na halatang interesado talaga na makilala ang asawa ko. They looked young, gwapo rin naman at magaganda ang katawan. Ito kaagad ang napansin ko sa dalawang lalaki kahit malayo ako. Kaya naman ang bilis kong nkalapit dahil baka mapatitig ng matagal s

