"Ano'ng sabi ng Papa mo? Ayos lang ba, Mama mo?" alalang tanong ni Blue sa akin. "H-hindi ko alam…" naiiyak ko namang sagot habang alalang hawak ko ang aking cellphone. Kanina tumawag si Papa, sabi niya tinakbo niya si Mama sa ospital dahil inatake ito ng arthritis. Grabe iyong sakit daw ng mga tuhod ni Mama na halos hindi na makalakad dahil sa pananakit ng mga buto niya. Panay pa raw ang daing nito at gusto akong makita. Nakokonsensya tuloy ako dahil iyong last na dalaw ko ay noong sinamahan ako ni Blue na maghatid ng pera sa kanila at para kumustahin sila. Iyong time na hindi ko pa alam na asawa ko pala si Blue. Naging tutok ako sa love life ko, hindi ko man lang sila nagawang dalawin dahil sa mga problema na dumating. Pero hindi naman ako nagmintis sa kanila sa pagtawag araw-araw. K

