bc

TBS#1: The Billionaire's Property

book_age18+
14.3K
FOLLOW
114.1K
READ
others
possessive
dominant
manipulative
powerful
bxg
poor to rich
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Tessa was fooled. Nakatakda na sana siyang lumipad sa Singapore para magtrabaho roon pero sa kasamaang palad ay isa palang scammer ang recruiter niya. Ayaw niya namang umuwi sa probinsiya nila dahil malaki ang perang inutang ng mga magulang niya para sa doon kaya nangako siyang maghahanap na lang ng trabaho sa Maynila. Doon niya nakilala si Darius Montemayor— a ruthless businessman. He offered her work— no… more like a proposition.

"Be mine and I'll give you everything you desire." That was his proposition. Out of desperation to give her family a good life, she accepted his offer.

Who is she to decline such a tempting offer after all?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Tessa "Mag-iingat ka roon, anak, ha?" Paalala sa akin ni Mama habang inilalagay namin ang mga damit sa maliit na maletang dadalhin ko sa pag-alis ko patungong Singapore.  Tumigil ako sa aking ginagawa para ngitian siya. "Oo naman, ma. At saka… pupunta po ako roon para maghanap buhay… para bigyan kayo ng magandang buhay nina Papa," sabi ko.  Hinaplos niya ang aking pisngi at matamis na nginitian pabalik.  Ma-mimiss ko sila, iyon ang sigurado ako. Pero… hindi ko naman kayang makita sila araw-araw na nahihirapan para lang maitaguyod ang pag-aaral ng mga kapatid ko. Isa pa, kung hindi ko ito gagawin, baka magkanda-baon baon pa kami sa utang.  "College na rin si Marco sa susunod na school year kaya kailangan ko po itong gawin. Dalawa na ang paaaralin natin sa kolehiyo. Gusto kong makatulong kahit na mahirap, ma. Gagawin ko ang best ko para maiahon ko kayo sa hirap ng buhay."  Isang butil ng luha ang nakita kong pumatak mula sa mga mata ni mama. Ito ang mahirap sa paglayo sa mga mahal mo sa buhay— ang makita ang hirap nilang pakawalan ka dahil nasanay sila na palagi kang nandiyan sa tabi nila at nakikita.  "Tatawag naman ho ako palagi. Ano po bang silbi ng cellphone kung hindi magagamit?" Tumawa ako para pagaanin ang loob naming dalawa dahil alam ko na kung hindi ko iyon gagawin ay iiyak na lang kami rito ni mama.  "Basta kapag nasa Maynila ka na, tumawag ka, ha? Para hindi kami mag-alala ng Papa at mga kapatid mo. Kilala mo naman ang Papa mo, advance palagi ang pag-iisip." Mas lalong tumawa si mama.  "Tatawag talaga ako kasi doon pa lang, ma-mimiss ko na kayo."  Ito ang huling araw na makakatabi ko sila sa pagtulog kaya sinulit na namin. Natulog kaming lahat sa sala kung saan ay kasya kaming lahat.  Kinabukasan, hinatid ako ni Papa sa bayan. Ang hirap palang umalis. Pero para naman sa kanila iyon kaya kakayanin ko na lang. Titiisin ko para sa kanila.  Nasa sasakyan pa lang nga ako patungong Maynila ay tumawag na ako kaagad kina Mama para ipaalam na maayos naman akong nakasakay. Hindi ko na rin pinatagal dahil baka mag-iyakan lang kami.  Matapos ang mahabang biyahe ay kaagad kong tinext ang makakasama ko patungong Singapore. Sa Airport ay matiyaga akong naghintay. Tiniis ko ang gutom dahil alam kong kukulangin ang pera ko kapag bumili ako ng anumang pagkain doon.  Isang oras ang lumipas ay muli kong sinulyapan ang cellphone ko na walang natanggap na reply mula sa kasama ko. Siguro ay na-traffic lang.  Matiyaga pa ulit akong naghintay hanggang sa abutin na ako ng limang oras doon ay wala pa ring reply kaya naisipan kong tawagan na lang siya.  "The number you dialed is unattended or out of coverage area. Please try your call later." Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng teller. I waited for another three hours at wala pa rin.  Noon, akala ko sa mga balita ko lang ito makikita at maririnig. Hindi ko naisip na maaari rin palang mangyari sa akin ito!  Paano na ako ngayon? Isang libo na lang ang natitirang pera ko rito at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayong mukhang scammer naman pala iyong recruiter ko.  Wala rin akong kakilala rito sa Maynila kaya baka sa bangketa ang abot ko ngayong gabi. Ni hindi ko nga alam ang pasikot-sikot dito.  Masyado akong nag-aalala na pati ang pagtawag kina Mama ay hindi ko magawa dahil sa takot na baka madismaya sila. Sayang din ang trenta-mil na ibinayad sa pekeng recruiter na iyon. Inutang pa naman iyon ni papa sa kumpare niya at hindi ko alam kung saan ko  kukunin ang ipambabayad gayong wala naman palang trabaho ang naghihintay sa akin sa Singapore.  Hila ang maliit na maleta ang naglakad ako sa gilid ng daan, hindi inaalintana ang kalam ng sikmura dahil sa dami ng iniisip. Kagaya ng saan ako matutulog ngayong gabi? Saan ako pupunta kinabukasan? Anong gagawin ko at kung ano-ano pa.  Hindi ko namalayan na dahil sa paglalakad ko ay naabot ko na ang isang park. Wala nang gaanong tao roon dahil medyo madilim na. May iilang tao na lang na karamihan ang mga nag-de-date lang.  Pagod akong umupo sa isang kahot na bench. Nakatunganga akong tumingin sa kawalan. Ni hindi ko nga namalayan ang paglapit ng isang batang nag-aalok ng sampaguita sa akin.  "Ate… sige na po, pangkain lang ho," aniya at saka siya lumabi. Napakurap-kurap ako sa pagmamakaawa ng batang iyon. Ako man din ay hindi pa nakakakain pero may mga kapatid ako at ang makitang may nagmamakaawa sa harapan ko ay paniguradong hindi ko matitiis.  "Ano'ng pangalan mo?" Tanong ko at bahagyang yumuko para mas mapalapit sa batang lalaki.  Malinis naman ang pananamit niya. Hindi mukhang pulubi.  "I'm Santino po," sagot niya. Bahagya akong natigilan dahil sa sagot niya. Hindi naman sa mjnamaliit ko siya pero ngayon lang ako naka-encounter ng batang nagtitinda ng sampaguita na kung maka-ingles ay may accent pa.  "A-Ah…" tumikhim ako para maiwaksi ang gulat kong ekspresyon.  Napaka-ignorante ko talaga!  "Ano ba ang gusto mong kainin?"  "I want to try kwek-kwek. The balun-balunan also, and… isaw!" Sagot niyang mas nakapagpagulat sa akin. Pero kahit na ganoon ay pumayag na lang ako sa gusto niya. Mabuti na lang at nakahanap naman kami kaagad ng mga gusto niyang pagkain.  "Pero, hindi ito healthy, ha? Huwag mong araw-arawin 'to," paalala ko sa kaniya.  Isang tango lang ang naging sagot niya sa akin. Abala na kasi siya sa pagkain ng mga binili namin kaya hindi na siya makapagsalita. Singkuwenta pesos na ang nakaltas sa isang libo ko. Kung magpapatuloy ako sa ganito, baka nga maging pulubi at palaboy rin ako sa Maynila kaya bukas na bukas din ay maghahanap ako kaagad ng mapapasukan kahit ano na lang basta marangal. Ayokong umuwi roon sa amin ngayon at baka mas lalo lang madagdagan ang problema ng mga magulang ko.  Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang may isang ale na humablot sa bata, dahil sa gulat ko ay nabitawan ko pa ang baso na may lamang mga streetfoods.  "Santino! Jusko kang bata ka! Mapapatay na kami ng Daddy mo dahil sa'yo, e. Bibigyan mo ba kami ng sakit sa puso?" Sunod-sunod na sinabi ng matanda habang sinusubukang kargahin ang batang nagkukumahog namang kumawala sa ale.  "I don't wanna go home!" Sigaw ng bata.  "Excuse me po. Kaano-ano ho kayo ng bata? Mukhang ayaw po kasing sumama sa inyo," singit ko na dahil baka isa palang mandurukot ang kidnapper ang matandang ito.  "Isa ako sa katiwala ng Daddy ng batang ito. Pasensiya ka na hija kung naaabala ka na naman niya. Kung sino-sino na lang kasi talaga ang sinasamahan ng batang ito, e." Kuwento ng matanda.  "S-Sasama ho ako k-kung gan'on. Pasensiya na po rin ho kung gusto ko lang makasigurado," matapang kong sinabi. Malay ko ba naman kasi kung nagsasabi siya ng totoo? Lalo pa at nakikita kong ayaw na sumama ng bata sa kaniya.  Ilang sandali akong tinitigan ng matanda. May dumating pang dalawang lalaki na naka-itim kaya mas lalo akong kinabahan.  "Nahanap niyo ho pala, tiya," salubong noong isa. Napasinghap naman ako nang biglang yumakap sa binti ko ang bata. Nanginginig na nga ako sa takot, e. Kung madamay man ako sa gulo, hindi na bale basta hindi ako papayag na kunin nila ang batang ito.  Paano kung damputin nila kami rito at isakay sa van tapos kunin ang laman loob namin?  "Sino po itong magandang dilag na kasama niyo? Ito po ba yung sinasabi niyong pamangkin ninyo, tiya?" Tanong naman noong isa.  "Hindi. Nakita ko lamang siyang kasama ni Santino," sagot ng matanda.  Hinawakan ko naman ang bata.  "Kilala mo ba sila?" Tanong ko naman nang dungawin ko ang batang si Santino na mas humigpit ang yakap sa aking binti.  "Yes but I don't want to go with them… please help me, I don't want to fo home. Papa doesn't love me anymore…" nagsimula siyang humikbi.  Napalunok ako at nag-angat ng tingin sa mga kasama namin. Ngayong sinabi niya na kakilala niya naman kahit papaano ang mga ito ay para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Siguro ay malungkot lang ang batang ito.  "Uhm…" panimula ko. Tinanggal ko ang pagkakayapos niya sa aking binti. Nang magawa ko iyon ay lumuhod ako sa harapan niya, humihikbi pa rin siya at basa na ang kaniyang pisngi dahil sa pag-iyak kaya pinunasan ko iyon gamit ang aking magkabilang thumb. "Alam mo… kailangan mong umuwi, okay?" Ngumiti ako sa kaniya at nakita kong medyo kumalma naman siya.  "Will you come with u-us, then?" aniya.  Mabilis akong umiling. "Hindi… kasi hindi ko naman bahay iyon. Ikaw, uuwi ka kasi doon ang bahay niyo. At saka… alam mo bang delikado ang ginawa mo?"  Siya naman ngayon ang umiling.  "Paano pala kung masamang tao ako at may gawin akong masama sa'yo? Paano na ang Daddy mo? Sila…" sabay lingon ko sa matanda at dalawang naka-itim na lalaki.  Sinundan niya ang mga mata ko.  "I want you to c-come with us. I won't go home unless you come with us, please?" Suminghot siya. Lihim akong napangiwi.  "Hindi puwede kasi… hindi naman ako roon nakatira, e," banayad ang pagkakasabi ko noon dahil ayokong maghisterya na naman siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang siko.  "I'll stay with you, then," pinal niyang sinabi. Naitikom ko na lang ang bibig ko.  "Santino, hindi puwede kasi baka magalit ang Daddy mo," sabi ng matanda.  "Baka naman puwede, tiya? Kasi hindi rin natin maiuuwi si Santino kung hindi siya kasama, e. Baka maabutan pa ni Sir na wala na naman ang anak niya sa bahay, baka sisante na ang abot natin nito," wika ng isang lalaking naka-itim.  Isang buntonghininga ang pinakawalan ng matanda bago tumango. "Siya, sige. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Darius. Halina kayo at baka maabutan pa tayo ng oras ng uwi n'on," yaya niya sa amin.  Isang puting van ang sinakyan namin. Habang tinatahak ang daan pauwi sa kanila ay nagtanong sila ng mga tungkol sa akin. Nang nalaman nila ang napagdaanan ko ay nanlumo rin sila kagaya ko.  "Hindi talaga 'yan maiiwasan, hija. Madami talagang mga manloloko ngayon," ani Aling Redora, iyong tinatawag nilang 'tiya' na napag-alaman kong mayordoma pala ng amo nilang si Darius Montemayor.  "Ayoko rin naman hong umuwi sa amin ngayon," iyon na lang ang tangi kong nasabi habang hinahaplos ang noo ng tulog na si Santino sa aking kandungan.  May kalayuan ang tinahak naming daan kaya napalalim ang kuwentuhan namin.  Nasabi rin nila malayo ang loob ng bata sa kaniyang ama dahil sa pagiging abala nito sa trabaho. Minsan na nga lang daw sila magkita sa halos araw-araw dahil gabi na palaging umuuwi si Darius mula sa trabaho, minsan pa nga raw ay hindi na ito nakauuwi.  Wala ring asawa kaya walang kinikilalang ina ang bata. Umalis daw ito matapos na ipanganak si Santino at kalaunan ay nalamang palipat-lipat na ngayon ng asawa.  Nang makapasok ang sasakyan sa loob ng isang maranyang bahay ay kaagad iyong sinalubong ng mga aligagang kasambahay. Kita sa mga mukha nila ang takot.  "Bakit? Anong nangyayari?" Salubong ni Aling Redora sa kasambahay na nagbukas ng pinto ng sasakyan.  "N-Nasa loob na ho si Sir. Galit na galit noong nalaman na wala si Santino sa bahay. P-Pinag-iimpake na nga po kaming lahat, tiya…" iyak noong kasambahay.  Napakagat-labi ako. Jusmiyo naman… "Ha? P-Paanong… akala ko, bakit ang aga niyang umuwi ngayon?" Si Aling Redora na halatang aligaha na rin habang kinukuha sa akin ang ngayon ay gising nang si Santino.  "Hindi p-po namin alam," iyon na lang ang naging sagot ng kasambahay.  Pinanood ko lamang sila roon dahil hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko o kung may maitutulong ba ako sa kanila.  "Halika na, Santino. Nagagalit na ang Daddy mo sa loob, please? Sisisantehin k-kami n'on kapag hindi ka pa sumama," pagmamakaawa na noong kasambahay. Sa awa ko ay nagpresinta na akong ako na ang magdadala sa kaniya sa loob para lang pumayag na siya.  Pagkababa ko pa lang ay napaigik na ako nang biglang may humablot sa braso ko para agawin sa akin si Santino.  Hindi ako nagmumura pero parang gusto ko na lang murahin iyong gumawa noon sa akin. Napangiwi ako sa sobrang sakit ng braso ko dahil sa nangyari. Napatingin ako roon at nakita ang pulang marka.  "I hired you all to look after my son tapos matatakasan pa kayo? What the heck is wrong with you all?!" Sigaw ng isang baritonong boses pero masyado na akong naiinis para pagtuonan pa iyon ng pansin. Malutong na mura pa ang inabot ng mga nakayukong kasamabahay ay hinuha ko ay mga body guards.  "And you let a stranger hold my son? You're all fired!" Malakas na sumabog ang boses niya sa buong lugar. Sa inis ko ay hindi na ako nakapagpigil.  "Mawalang galang na ho, a? Ang anak niyo ho ang lumapit sa akin. Katunayan nga, e. Nandito lang ako kasi ayaw niya hong umuwi nang hindi ako kasama. Hindi ko naman ho kasi alam na bawal palang hawakan ang anak niyo. Huwag ho kayong mag-alala at wala naman ho akong nakakahawang sakit, safe po ang anak ninyo ho," hilaw akong ngumiti sa kaniya.  Hindi ganito ang itinuro sa akin ng mga magulang ko pero grabe naman yata itong si angkol kung magalit. Akala mo naman kinatay na namin ang anak niya.  "She even have the guts to talk back?"  Halaka po? Bawal ba 'yon?  "Ay, pati ho ba pagtatanggol at pagsubok na ipaliwanag ang sarili ay bawal? Pasensiya na ho kayo, ha? Sige ho, aalis na ako at baka ako pa ang maging sanhi ng highblood ninyo," pasarkastiko kong sabi bago sila tinalikuran.  "Please, don't go!" Dinig kong pagmamakaawa ni Santino. Humugot ako ng malalim na hininga at piniling huwag na lang lumingon. Sawa na rin kasi ako sa ganitong eksena at isa pa… pagod na ako ngayong araw. Naubos na ang enerhiya ko para saluhin pa ang lahat ng ito. Kailangan ko rin ng pahinga. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.2K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook