CHAPTER 1: Annulment Papers

1001 Words
Mhina Parang dinudurog ang puso ko ng pinong-pino habang nakikita ko ang asawa kong nakahawak sa baywang ng isang magandang babae habang abala sila sa pakikipag-usap sa kapwa nila mga negosyante. Marahang humahaplos at pumipisil ang kamay niya sa nakalitaw na baywang nito. Hindi ko na nakayanan pa ang eksena at mabilis na akong tumayo ngunit natabig ko ang isang waiter na dumaan sa tabi ko. "Aw! So clumsy!" maarteng sigaw ng babaeng natapunan ng iced tea na umuukupa sa kabilang table. Maging ako ay nasabuyan din sa baywang dahilan upang kumapit ang tela ng damit ko sa katawan ko at lumitaw ang pinakaiipit kong mga taba. "S-Sorry, Miss," nakayuko kong hingi ng paumanhin sa kanya. Sa gilid ng aking mga mata ay napansin ko ang pagtitinginan sa akin ng ilan pang mga negosyante dito sa hall. "Sorry?! Look! Ang dirty-dirty ko na! Mabuti sana kung kakasya sa akin ang mga damit mo sa taba mong 'yan!" sigaw ng babae sa akin na may kasamang pagduro. Mas lalo akong napayuko sa sobrang hiya. "Pasensiya na po, mga Ma'am. Lilinisin ko na lang po," nakayukong sagot din naman sa amin ng waiter. Nagmadali siyang umalis sa aming harapan. "P-Pasensiya na talaga," sabi ko ulit sa babae. Hindi na ako nagtagal pa sa kinatatayuan ko lalo na sa mga mapanuring mga mata ng mga taong naririto. Mabilis na akong naglakad patungo sa malapit na restroom ngunit bago 'yon ay nilingon ko muna ang kinaroroonan ng asawa kong si Daemon. Nagtama ang paningin namin ngunit ako ang kusang bumitaw dahil sa talim nang pagkakatitig niya sa akin. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko nang matanaw ko ang muli niyang pagbaling sa babaeng kasama niya. Lumapit ang mukha niya dito at tila may ibinubulong. Napahinga na lang ako ng malalim sa paninikip ng dibdib ko at bumaling na sa hallway patungo sa restroom. Sa labas ng restroom ay saglit akong napahinto at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin na halos hindi na magkasya ang katawan ko. Binanat ko ang suot kong dress paibaba dahil muli na naman palang lumitaw ang pinakatatago kong taba sa tiyan ko. "Shit naman," naibulong ko na lang sa sarili ko habang pinagmamasdan ang basa sa tiyan ko na napakahirap nang itago lalo na't kulay dilaw ang suot kong dress. "Are you okay?" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang isang gwapong lalaki ang natanaw ko sa salamin na nakap'westo sa likuran ko at sinisilip-silip ang mukha ko. "Ah, oo naman. O-Okay lang ako." Nag-alangan naman akong ngumiti sa kanya. "Looks like you're not. You can wear it." Mabilis akong napalingon sa kanya nang makita kong hinubad niya ang suot niyang coat. "A-Anong ginagawa mo? H-Hindi na, nakakahiya." "Nah. It's alright. Mas mahihirapan kang kumilos sa hitsura mong 'yan." "P-Pero--" Mabilis na niyang isinaklob sa akin ang coat niya. "Put your arms in." Wala sa sarili naman akong sumunod sa kanya. Matapos ay kaagad niyang ibinutones ang harapan nito at naitago na ang pang-itaas kong katawan. "See? You're more comfortable now." "N-Nakakahiya sa iyo." Napayuko ako sa harapan niya dahil sa hiya. Sa tingin ko rin ay mamahalin ang coat niyang ito. Kamuntik pang hindi magkasya sa 'kin. "Don't mind it. Smile, baby. You're pretty enough. Chubby is sexy." Iniwanan niya ako ng isang kindat bago siya umalis sa aking harapan. Napakagat-labi naman ako at namula sa sinabi niya. Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng hallway ngunit gano'n na lamang ang paninigas ko nang matanaw ko doon si Daemon at halos patayin na ako sa talim nang pagkakatitig niya sa akin. Napayuko na lang ako at mabilis na pumasok sa loob ng restroom. Damadagundong sa lakas ng kaba ang dibdib ko ngunit ano bang ikinakatakot ko? Matagal na siyang walang pakialam sa akin kahit iisang bubong lang ang tinitirhan namin at sa iisang kama pa rin kami natutulog. Nagbago na lamang siyang bigla simula noong makunan ako sa kauna-unahan sana naming baby. Bigla na lamang siyang nanlamig. Samantalang hindi niya naiintindihan kung gaano kahirap para sa akin ang pinagdaan ko. Hindi lang siya ang nawalan ng anak, ako rin at isa akong ina. Mas mahirap para sa akin ang mawalan ng anak! Na-depress ako ng sobra at doon ko napabayaan ang sarili ko hanggang sa mauwi ang katawan ko sa ganito. Ngunit dahil dito ay mas lalo lang siyang lumayo sa akin. Never na kaming nagki-kiss o nagyayakap o kahit hawak man lang ay tila pinandidirihan na niya ako. At sa tuwing may mga event na ganito sa pamilya ay halos hindi niya ako kilala. Para akong ekstranghera lang sa mga party na ganito. Napapaisip na lang ako. Ganito pala kapag nagbabago na ang katawan ng asawang babae. Maaring maghanap muli ng sexy ang asawa mo. Pero dahil lang ba sa katawan ko noon na super sexy kaya niya ako nagustuhan at pinakasalan? Hindi naman yata makatarungan 'yon?! "Ang guwapo, 'di ba? What do you think? Sagutin ko na ba?" Kaagad akong napatalikod at pumasok sa isang cubicle nang may mga babae akong narinig sa labas ng pinto. "Haler! Gusto mo bang maging kabit? As far as I know, they're still legally married." "But according to his friend Drew, Daemon is already handling the annulment papers of his wife. So, soon he'll be free and he'll be mine." Parang tinusok ng bilyon-bilyong karayom ang puso ko sa narinig kong iyon. Annulment papers? Makikipaghiwalay na sa akin si Daemon? Hindi ko napigilan ang mapahikbi sa tindi ng sakit na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Gano'n na lang 'yon kadali para sa kanya? Ni hindi pa nga kami umaabot ng dalawang taon tapos makikipaghiwalay na kaagad siya sa akin? Paano na 'yong sinumpaan namin sa harap ng altar at sa harap ng Diyos? Hindi ba niya ako minahal? Nagkamali ba ako nang pagtitiwala sa kanya? Anak lang ba ang habol niya sa akin na hindi ko naibigay sa kanya? "Good luck to you, Gurl." "I'll just let you know, babe. Soon I'll be Mrs. Daemon Delavega."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD