bc

The Probinsyana Girl: Married to the mafia King |BOOK 1| |COMPLETED|

book_age16+
39.1K
FOLLOW
186.5K
READ
revenge
contract marriage
goodgirl
tomboy
mafia
comedy
bxg
icy
office/work place
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Meet Katana Lora Reyes, 22 years old at nakatira sa probinsya ng Bicol. Sa lugar kung saan malayo sa kabihasnan. Walang internet, gadgets at kung ano pang modernong kagamitan sa bahay nila.

Lumaking simple ang buhay ni Katana. Ang mag aral, tumulong sa bukid, mag pakain ng mga alaga niyang hayop at magtrabaho para kumita ng pera para sa kanilang pang araw-araw na pagkain ang kaniya lamang na inaatupag. Kung minsan naman ay pumupunta siya sa bahay ng kanyang kaibigan para bumisita.

Habang naghahanap ng puwedeng mapasukang trabaho, tumawag ang kaibigan niya na kasalukuyang nasa Manila. Ibinalita niya kay Katana na puwede siyang magtrabaho bilang Assistant ni Zhyne Kiero Smith, isang Business Tycoon at Mafia King. Malugod na tinanggap ni Katana ang alok na trabaho pero ang hindi niya alam, hindi lang pagiging Assistant ang magiging trabaho niya.

-

A Filipino Action-Romance Story

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 [Call]
HUWAG NANG BASAHIN! MAGSISISI KA LANG. BITIN AT HINDI MAGANDA WARNING: TYPOS, WRONG GRAMMARS AND ERRORS AHEAD. ******* Kilalanin si Katana Lora Reyes. Siya ay nasa edad na dalawampu't dalawang taong gulang at nakatira sa probinsiya ng Bicol, sa lugar kung saan malayo sa kabihasnan. Walang internet, gadgets at kung ano ano pa ang nasa bahay nila. Lumaking simple ang buhay ni Katana. Ang mag aral, tumulong sa bukid, magpakain ng mga alaga nilang hayop at magtrabaho para kumita ng pera para sa kanilang pang araw-araw na pagkain ang kanya lamang inaatupag. Kung minsan naman ay bumibisita siya sa bahay ng kanyang kaibigan. Katana's POV "'Nay, aalis po muna ako. Pupunta lang po muna ako sa bahay nila Cherry!" sigaw ko nang makalabas ako ng bahay. Nang makalabas na ako ay narinig ko ang pagsigaw ni nanay. "Sige anak! Mag-iingat ka!" Pagkasabi ni nay no'n ay dali-dali ko naglakad papunta sa bahay ni Cherry, ang best friend ko simula no'ng elementary, bago at pagkatapos mangyari ang isang aksidente. "Magandang umaga, Lora!" Masayang bati ng isang tindera na si Aling Lida nang madaanan ko ang kanyang tindahan. "Magandang umaga rin po, Aling Lida!" bati ko at saka kumaway sa kaniya. Pagkatapos ko siyang batiin ay tumakbo na ulit ko papunta sa bahay nina Cherry. Isang tulay na lang ang layo mula sa kanilang bahay at iyon na lamang ang aking daraanan. "ANAK!" Napahinto ako sa pagtakbo nang makarinig ako ng isang malakas na sigaw, hindi kalayuan sa pwesto ko. Nakita ko sa aking harapan ang isang bata na nakahawak sa kamay ng kaniyang ina para hindi siya mahulong sa ilog. Napansin kong padulas na nang padulas ang kamay ng bata sa kamay ng kaniyang ina kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis akong tumakbo patungo sa gilid ng tulay, at nang mabitawan na ng ina ang bata at mabilis akong tumalon patungo sa puwesto ng bata na kasalukuyang nang nahuhulog. Hindi alintana sa akin na mahuhulog kami sa ilog, basta ang gusto ko lamang ay mailigtas ang bata. Mahigpit na niyakap ko ang bata habang pabagsak kami sa ilog. "Sh*t," bulong ko nang lumapat na sa akin katawan ang lamig ng tubig pagkatapos no'n ay ang mabatong bahagi ng ilog. Hindi ko na ininda pa ang sakit, mabilis akong lumangoy patungo sa gilid na bahagi ng ilog para iahon na ang bata. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong maayos ang kalagayan ng bata. Ngunit hindi pa rin maiwasang hindi ito manginig dahil sa takot na nararamdaman. "Salamat po, Ate Lora," wika niya at mahigpit akong niyakap, ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan dahil sa nangyari. "Sa susunod mag-iingat ka na. Huwag malikot kapag nasa tulay, palaging humawak sa iyong ina, naiintindihan mo ba ako?" bilin ko sa kaniya at saka ginulo ang kaniyang buhok. Bagkus na magalit o kung ano pa man ay ngumiti lang siya at saka muling nagpasalamat bago tumakbo putungo sa kaniyang ina na naghihintay. Mahigpit na yakap ang kaagad na ibinigay ng ina ito nang makalapit na ang bata, pagkatapos no'n ay bumaling sa akin ang ina at saka bahagyang nag-bow para magpasalamat. Nginitian ko sila at saka kumaway para magpaalam na. Tinalikuran ko na sila at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa bahay nina Cherry. Basa man at may iniindang sakit sa likod ay hindi na iyon alintana sa akin. Sanay naman na sila sa na palagi nila akong nakikita na ganito. "O, Ano na namang nangyari sa 'yo, Kat? May niligtas ka na naman, 'no?" bungad na tanong sa akin ni Cherry habang nakapamewang sa may pintuan habang nakatingin sa akin. Napayuko ako at saka napakamot sa aking batok dahil hindi naman ako makapagsinungaling. 'Ang lakas talaga ng pandama niya, tinalo pa si Tiffany, eh.' Bahagya akong sumulyap sa kaniya nang marinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. "O siya, pumasok ka na nga rito, Kat. Mayamaya lang din ay tatawag na si Tiffany," aniya at naglakad na papasok sa loob ng kaniyang bahay, sumunod na lang ako. Kaya lang ako pumunta sa kanila kasi ang sabi niya tatawag daw si Tiffany at gusto akong kausapin. Isa rin si Tiffany sa best friend ko na ngayon ay nasa Manila at nagtatrabaho bilang secretary ng isang malaking kompanya. Alam niyang naghahanap ako ng trabaho kaya naman nandito ako ngayon para makausap siya dahil mukhang meron na siyang nahanap na puwede kong mapagtrabahuhan. Pagkatapos kong magbanlaw at magpalit ng damit ay lumabas na ako ng banyo at saka naglakad na papunta sa sala kung saan naroon ngayon si Cher. Hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan ay narinig ko na ang boses ni Cherry. "Sigurado ka ba riyan?" wika niya. Mukhang kausap na niya sa kabilang linya si Tif. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga bago mulang magsalita. "Malalagot tayo nito kapag nalaman nila. O siya, sige. Bahala na." Nagsimula na akong maglakad palapit dahil napansin kong malapit na silang matapos sa kanilang pinag-uusapan. Nakita kong Natigilan si Cherry sa pagsasalita at mabilis na lumingon sa diresyon kung saan ako nakatayo ngayon. Nakita kong nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Anong nangyari diyan sa mukha mo? Para kang nakakita ng multo, si Tif na 'yan?" tanong ko para masiguro kung si Tif nga ba ang nasa kabilang linya, sabay baling sa cellphone na hawak niya. Tumango siya at saka bumaling sa kaniyang cellphone. "Nandito na si Kat," wika niya sa kabilang linya at inabot na sa akin ang cellphone. "Hi Kat! Kumusta?" masayang bati ni Tif na nasa kabilang linya. "Okay lang naman, Tif. Napatawag ka nga pala? May nahanap ka na bang mapagtatrabahuhan ko?" tanong ko at bahagyang ngumiti. Mahigit anim na segundong katahimikan ang namayani sa kabilang linya bago niya ako sagutin. "Oo, Kat. Meron na akong nahanap na puwede mong mapagtrabahuhan, kaya gusto kitang makausap. Ipapaalam ko lang din sa 'yo na bukas din nang umaga ay bibiyahe ka na papunta rito sa Manila." Napatingin ako kay Cher na nakagiti habang nakatingin sa akin nang marinig niya ang sinabi ni Cher. Napakunot ako nang mapansing parang pilit lamang ang kiniyang pagngiti? Ewan, basta ang importante meron na akong trabaho. "Salamat, Tif! Naku, magandang balita 'yan! Ihahanda ko na mamaya ang mga gamit ko," anunsiyo ko habang nakangiti. 'Sa wakas! meron na akong trabaho.' Matagal ko ng sustong pumunta roon dahil maraming taga-rito sa amin ng nagsasabi na malaki ang sahod sa Manila kumpara dito sa Bicol. Hindi ko lang alam kung totoo iyon, pero wala namang masama kung susubok ako. Matagal ang naging pag-uusap naming tatlo hanggang sa magpasiya na akong umuwi ng bahay para ipaalam kina Nanay at Tatay ang balita tungkol sa binabalak kong pagtrabaho sa Manila. Tanghali na nang makarating ako sa bahay. Dali dali akong naglakad papasok sa loob hanggang sa madatnan ko si nanay na nasa hapag-kainan at kassalukuyang kumakain. "Ang tagal naman ng pag-uusap niyo nila Cherry, Anak. Inabutan ka na ng tanghalian," ani Nanay nang mapansin niya ang pagdating ko. "Napasarap lang 'Nay ang pag-uusap namin," wika ko. Umupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Nanay at saka sumandok na ng pagkain. "Nasaan po pala si 'Tay, 'Nay?" tanong ko at nilibot ang tingin sa loob. "Alam mo naman iyon, nasa bukid pa," sagot niya at muling sumubo ng pagkain. Kailangan ko na talagang makapagtrabaho para hindi na sila magtrabaho pa sa bukid. Masyadong mahirap ang trabaho sa bukid, lalo na sa kanilang edad na dapat sana ay naagpapahinga na lamang sila sa bahay. "'Nay?" tawag ko sa kaniya. "O, ano iyon, anak?" tanong niya habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Umiling ako at saka naiilang na ngumiti. "W-Wala, 'Nay," nauutal kong sambit at binaling na lamang ang atensiyon sa pagkain. Mamaya ko na lang siguro sabihin kapag nandito na si tatay. "Kung may gusto kang sabihin, huwag kang magdalawang-isip. Nandito lang kami ng tatay mo para tulungan ka," usal ni nanay at saka tumayo na. Bago pumunta sa may lababo ay tinapik-tapik muna niya ang balikat ko. "Opo, 'Nay. Salamat po," Nang matapos na kaming kumain ng tanghalian ay saka dumating si tatay na pawisan at merong buhat-buhat na malalaking panggatong. Hindi ko mapigilang hindi magtaka minsan, katulad na lang nito ngayon. Kahit na may katandaan na silang dalawa ay nakakaya pa rin nilang magbuhat ng mabibigat na kahoy na parang baliwala lamang sa kanila kung gaano pa ito kabigat, kamangha-mangha. Hinintay ko munang matapos kumain si Tatay bago ko sabihin sa kanila ang plano kong pagtrabaho sa Manila. Umupo ako sa upuan na nasa sala habang nakamasid ako sa bawat galaw nila Nanay at Tatay. Nang makita kong tapos na sila sa kanilang ginagawa ay nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga. "'Nay at 'Tay, may sasabihin po ako," wika ko. Naglakad sila papunta sa kinauupuan ko at saka umupo sa magkabilang gilid ko. "Ano iyon?" seryosong tanong ni tatay na nagpanginig sa akin. Hindi kami masyadong malapit sa isa't-isa, nakakatakot kasi ang ekspresyon niya at ang kaniyang mga mata dahil para itong walang emosyon. "Magtatrabaho po sana ako sa Manila, meron na po kasing nahanap na trabaho si Tif ---" hindi ko na natapos pa ang aking sinasabi nang makarinig ko ng malakas na kalabog. Napaigtad ako at hindi mapigilang hindi manginig. Nakita ko si Tatay salubong ang kilay habang nakapatong ang mga kamay sa mesa dahil sa ginawa niyang paghampas. "Hindi ako papayag na pupunta ka sa Manila," nakatiim ang bagang na sambit ni Tatay. "Pero 'Tay---" "Hindi. Ako. Papayag. Masyadong mapanganib doon" muli niyang putol sa aking sinasabi at mabilis na umalis ng bahay. Tinignan ako ni nanay na may halong pag-aalala sa mga mata bago umalis din ng bahay para sundan si tatay. 'Bakit ba ayaw nila akong payagan kapag sa Manila ang pag tatrabahuhan ko?' Hindi puwedeng hindi ito matuloy, nasabihan ko na si Tiffany na pupunta ako. Ayaw ko ng baguhin ulit ang aking desisyon. Buo na, pupunta ako ng Manila, sa ayaw at sa gusto nina Tatay. Hindi ko alam na sa desisyon kong iyon ay magbabago ang takbo ng aking buhay. To be continued...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
197.9K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
532.5K
bc

Billionaire's Twins

read
262.8K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
579.1K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
196.7K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
452.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook