bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

book_age16+
13.5K
FOLLOW
51.6K
READ
sex
age gap
aloof
gxg
bisexual
humorous
genius
lies
school
punishment
like
intro-logo
Blurb

Zarina Villaflor punishment is to seduce her cold and terror professor and make her fall in love with her in just one month. Magagawa kaya ni Zarina na akitin ang pinakaterror at cold nyang professor o magiging dahilan lamang ito ng kaniyang pagbagsak?

chap-preview
Free preview
Prologue
*** "Hoy, sabotage iyong ginawa niyo. Mga mandaraya!" Sigaw ko sa mga barkada kong tawang-tawa nang matanggal ko ang helmet ko at nang makalapit ako sa kanila. Katatapos lang ng motor race namin at halos madisgrasya na ako kanina dahil biglang naflat ang gulong ng gamit kong motorbike. Sa tingin ko ay sinabotahe talaga ako ng mga kasama ko dahil chineck ko naman ang lahat ng parte ng motorbike ko kanina bago sumali sa racing. "Anong sabotage? Gago ka, ni hindi nga namin hinawakan 'yang motor mo," depensa ni Zeke habang nagtatanggal ng gloves. "Gumagawa ka lang ng excuse, Zari. Sus, 'wag kami. Basta talo ka," singit naman ni Avery na ngayon ay nakangisi na. "So, ano na? Susi ng motor at susi ng condo mo, amin na," tila nababagot na tugon naman ni Vincent. Halos lumabas na ang puso ko dahil sa kabang nararamdaman nang masabi iyon ni Vincent. Patay talaga ako. Bakit ba sumali ako sa pustahan? Anong kalokohan 'to Zarina? "Hindi ba't kasali ang kotse niya?" Biglang banggit ni Caleb. "Wala akong sinabing pati kotse ko ay kasali, hoy!" Sigaw ko sa kanila. Ang alam ko talaga ay mananalo ako sa pustahan. Mataas ang kumpyansa ko sa sarili dahil ilang motor race na ang sinalihan ko at lagi akong panalo. Ngayon lang talaga dahil naflat ang gulong ng motorbike ko. Tangina naman, oh. Patay ako kay daddy nito. Kinuha ni Caleb ang cellphone sa bulsa niya at may plinay roon. "Oo na, kasali na pati ang kotse ko at ang condo ko. Sa tingin niyo ba matatalo niyo ako? Ulol!" Nanlumo ako nang marinig ko iyon. Ang yabang pa nang pagkakasabi ko kaya nakangisi ngayon ang mga kasama ko sa akin at kulang na lang ay matawa dahil sa mukha ko. "Lasing ako that time, mga gago!" Bulalas ko dahil totoo naman at halatado naman sa boses kong naroon sa narecord ni Caleb. "Mamaya na 'yan. Gusto ko nang mag-inom. Pasok na muna tayo sa loob." Natigilan kami dahil sa sinabi ni Avery. Nandito kami ngayon sa labas ng isang bar, dito sa ACB. Pumasok na muna kami dahil iyon naman talaga ang pinunta namin dito pagkatapos ng motor race kanina. Nang makapasok kami ay agad na may naglapag ng inumin sa table namin. Naupo na muna ako sa may couch at sinandal ang katawan ko ro'n. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko iyong pustahan namin at ang pagkakatalo ko. Siguradong kapag nalaman ito ni daddy ay pagbabawalan na talaga niya akong gumamit ng motor. "Si Perez 'yon, 'di ba?" Napatingin kami sa tinuturo ni Zeke at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang bagong pasok na babae, iyong isa sa pinakaterror na professor namin. Si Mrs. Alyson Perez, ang professor namin sa isang major na subject. Napalunok ako nang makita ang katawan nito, sa likod nang terror na ugali ay hindi maipagkakaila ang kagandahang taglay niya, maging ang seksing katawan nito. Kahit gaano siya katerror ay marami pa ring nagkaka-crush sa kanya sa University, maging iyong ibang professor namin ay nahuhulog sa kanya at karamihan ay mga estudyante. Kahit pa man alam nilang may asawa na ito ay sige pa rin sila sa kaniya. Maganda si Mrs. Perez. Matangkad at balingkinitan ang katawan, mahaba ang may pagkabrown niyang buhok na malayang umaalon sa likuran nito. Kung hindi ko nga lang siya kilala bilang isang isang instructor ay iisipin kong artista siya o modelo o kaedad ko lang siya dahil sa mukha nito. I think she's 10 years older than us. I'm not sure, tho. Muli akong napatingin sa kaniya. She's wearing a black silky dress with deep v-neck and a black high heel stiletto na kumikinang pa dahil sa glitters nito. Napalunok ako nang makita ang cleavage niya, halatang-halata ito at ang sexy ring tignan ng collar bones niya. Ang slim at ang sexy ng katawan niya, para talaga siyang kaedad lang namin at parang wala pang asawa. "Pumupunta rin pala siya sa ganitong klaseng lugar," pansin ni Vincent at uminom ng tequila. "Malamang, tao rin naman 'yan," pagsusungit ni Avery kay Vincent. Tumigil silang lahat at napatingin sa direksyon ko. Sumilay ang pilyong ngiti sa mukha nila at tila may binabalak na kung ano. "What?" Kunot noong tanong ko sa kanila. "'Di ba, wala na kayo ni Kelsey?" Tanong ni Vincent. Tukoy niya sa ex kong walang ibang ginawa kundi manlalaki at maghanap ng etits. Utot niya! Mas magaling pa rin naman ako kaysa roon sa mga nahahanap niya. Pwe! "Oh, tapos?" Tila nababagot na tanong ko. Humarap si Zeke sa akin at pinatong pa ang dalawang siko sa legs nito, "now, Zarina. Choose. You will give us your motor, car and condo or," ngumisi siya, "seduce Mrs. Perez and make her fall in love with you-" "What the heck, Zeke? Nahihibang ka na ba? May asawa 'yan, gago! Napakaimposible!" Agad na sigaw ko sa kanila at napainom sa basong may lamang alak. "Edi, bukas na bukas kukunin na namin ang mga sasakyan mo maging ang condo mo. Maghahanap na rin kami ng mapagbebentahan para hati-hati na lang kami sa pera. Right, guys?" Parang wala lang na sambit ni Avery. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "wala na bang iba? Ang hirap naman no'n!" "Ano sa tingin mo? Malamang mahirap ang ipapagawa namin sa 'yo. Ano ka? Sinuswerte?" I rolled my eyes at Caleb. Nahihibang na talaga sila. Bakit ba naging kaibigan ko 'tong mga 'to? "Ano, Zarina? Choose." "Huling semester na natin 'to at gagraduate na tayo, gusto niyo bang hindi ako grumaduate? Tangina, manghinayang naman kayo sa limang taon!" May takot na sambit ko, "'tsaka napakaimposible ng gusto niyong mangyari. How can I make her fall in love with me? Kahit siguro maghubad na ako sa harap niyan ay wala pa rin." "Duh! Nagawa mo nga sa Ate ko," Avery said while rolling her eyes at me kaya natawa sila Caleb. Iba pa rin iyon. Oo nga't nabaliko ko ang Ate niya pero wala naman iyong sabit, wala siyang asawa. Eh, si Mrs. Perez meron. Paano ko naman gagawin iyon sa kaniya? Baka mapatay pa ako ng asawa niya. "Just choose, Zarina." "Just a month. Kapag hindi mo iyon nagawa sa loob ng isang buwan sa amin ang motorbike, iyong bago mong auto, at iyong condo mo." "This will start on Monday." Tinignan ko sila nang masama, "fine. Sige na, sige na. I'll go with the last one. I'll seduce Mrs. Perez and make her fall in love with me." Tangina! Ano 'tong pinasok ko? Kakayanin ko ba? Shit! Iyong terror na professor ko, aakitin ko at paiibigin ko siya sa akin? Anong kolokohan ito? Ngayon pa lang ay gusto ko nang sabunutan ang sarili ko dahil sa kahibangang ito. Kung hindi ko ito gagawin ay magagalit sa akin si daddy at siguradong grounded ako. Mawawala rin sa akin ang pinakamamahal kong sasakyan at condo. Pero ang tanong, makakaya ko ba? Magagawa ko ba iyon sa loob ng isang buwan? Shit! "Good!" Sigaw ng mga kaibigan ko at uminom ng alak. Tangina, bahala na! ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
363.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook