AVERY "Matulog na tayo," sabi ni Sir Xander sa akin, makalipas ang ilang sandaling katahimikang namagitan sa amin. "Dito sa kubo?" may ngiti sa labi na tanong ko. "Yes," sagot niya. "Come, let's go inside, malamok dito." Hmm, hindi naman malamok. Malakas kasi ang ihip ng hangin, kaya hindi ko ramdam ang mga lamok na sinasabi niya. Binuksan ni Sir Xander ang pintuan at pinindot ang switch ng ilaw. Simple lang ang silid. More on native style, pero may kama sa gitna at siguradong kasya kaming dalawa. Umupo ako sa gilid ng kama at iginala ang mga mata sa buong silid. Nakita kong nakatayo lamang ang kasama ko, habang seryoso ang ekspresyon na nakatingin sa akin. "Gusto mo bang hubarin ang damit mo?" naiilang na tanong ko sa kanya, dahil ramdam ko ang init ng mga mata niyang nakatitig s

