AVERY Nagising akong panay ang marahang halik ni Sir Xander sa leeg ko, habang nakayakap sa bewang ko ang braso. Inaantok na yumakap ako sa kanya at nagmulat ng mga mata. "Good morning, baby," malambing na bulong ni Sir Xander malapit sa punong tenga ko at pagkatapos ay bumaon ang labi sa leeg ko. "Good morning," paos na sagot ko. "Anong oras na?" "Past six o'clock," sagot ni Sir Xander. Huminga ako ng malalim. Masarap sa pakiramdam ang magbabad sa kama dahil malamig ang ihip ng preskong hangin na nagmumula sa dagat, pero naisip ko na baka hanapin ako ng mga kapatid ko. "Kailangan na nating bumalik sa bahay mo," mahinang bulong ko sa katabi ko na panay pisil ng kamay sa dibdib ko. "Gusto mo na bang umuwi?" sensual na tanong niya sa akin. "Oo, para sabay-sabay tayong mag-almusa

