Natanaw ni Amir si Amaya kanina na sumakay ng tricycle kaya naman na nagtungo agad siya sa bahay ng mga ito para itanong kay Aling Meling kung saan pupunta si Amaya. Kahit naman may hindi sila pagkakaunawaan na dalawa at kahit na galit na galit ito sa kanya, ay iniisip pa rin niya ang kaligtasan nito at isa pa sa kanya ito iniwanan ng kanyang kumare kaya sagutin pa rin niya ito kapag mapahamak ito. Atsaka hindi nito gawain ang lumabas ng bahay kaya nagtataka siya ng makita itong sumakay ng tricycle. Nagtungo agad siya sa bahay at sinabi nga ni Aling Meling na nagtungo ito sa mall kasama ang mga classmate nito. Alam niya na wala siyang karapatan na magalit pero natitiyak niya makasama na naman nito ang Ryan na iyon. At batid niya na magagalit ito kapag nalaman nito na susundan niya ito s

