Chapter 1

996 Words
KYLIE POV Naging maayos naman ang One week ko sa Tolentino University. nakakilala ako ng mga bagong kaibigan. madalas ko kasama sila alex at floyd sa cafeteria, minsan naman si nikki at alex sa classroom. mababait ang mga kaklase ko. hindi ko kasi magawang tignan sila isa isa dahil nahihiya pa rin ako sa kanila kahit nagpakilala na sila sakin. Merong dalawang section ang Senior year high school dito sa Tolentino University Ang St.Peter at St.Simon. Ang St.Simon ang section ko puro matatalino ang nandito. Ang St.Peter naman yung pangalawang section laging magulo,maiingay ang kabilang section. mas maganda dito sa section namin dahil hindi magulo at tahimik lang mga kaklase ko. Maingay din kung minsan pero di malakas. Napalingon ako sa likuran ko. tinignan ko sila isa-isa. naboboring na ako dahil kanina pa ako walang ginagawa. nagbasa ng libro, nakatulala sa blackboard. yung mga kaklase ko naman nagbubulungan lang pag nag-uusap. sobrang boring hanggang ngayun wala pa rin ang guro namin. Napansin ko yung lalaking nasa dulo. nakaupo kausap niya si gian na s'yang president ng Supreme Student Government at president din ng classroom namin.pinakatitigan ko ng mabuti ang lalaking kausap ni president ng bigla itong lumingon sakin. napaiwas ako ng tingin nalintikan na nahuli niya akong nakatingin sa kanya saad ko sa isip ko. sa isang linggong nandito ako walang araw na o oras na hindi ko sinusulyapan si Red. di ko alam kung anong nangyayare sakin para pagtuonan ko siya ng pansin. Napalingon ako sa katabi kong si alex "Crush mo ba si red?" Nakangiting kinikilig na saad niya sakin. napailing na lang ako. "hindi ko siya crush" sagot ko sa tanong niya "eh bakit kung tignan mo siya parang malulusaw na si Red sa titig mo?" Natatawang tinignan ko si Alex. "hindi ibig sabihin na tinignan ko siya eh gusto ko na ang tao" nakangiti pa rin siya na s'yang kinainis ko "hindi ko nga sabi crush 'yun" Tinawanan lang ako ng bruha. "wala naman akong sinasabi ah, bakit parang guilty ka?" Nakita niya nakabusangot ako ng s'yang kinatawa niya lalo "alam mo alex manahimik ka na lang hindi ko nga siya sabi crush" lalo akong napalabi ng wala pa rin s'yang tigil kakatawa. "..haha oo na, sige na. kunyare naniniwala ako" tumigil na rin sa wakas si alex. "Alam mo kylie darating ang araw na kakainin mo rin yang sinabi mo. knowing na si Red ang isa sa mga lapitin ng babae dito. naku gurl okay lang naman na magkagusto ka sa kanya mabait naman yang si Red. jackpot ka nga pag naging kayo n'yan" sabi niya sakin. Sabay lingon sa likod, banda kila red. napalingon na din ako sa likuran namin. kausap na pala ni red si allen kaya pala hindi na umimik ang katabi ko. napailing na lang ako "hanggang kailan mo kaya kayang tiisin yang nararamdaman mo kay allen? Umamin ka na kasi sa kanya na gusto mo siya" sabi ko sa kanya. napalingon si Alex sakin saglit. binalik din ang tingin kay allen " ..tyaka na pag kaya ko na" Di makapaniwalang napatingin ako sa kanya. sana lang pagdumating ang araw na magkagusto ako, ayokong matulad kay alex. ang gusto ko pag alam ko ng mahal ko sasabihin ko kaagad o hindi? Ayy ewan ano ba tong naiisip ko. Hindi dumating ang teacher namin kaya umingay ang classroom, iba sa kanila kanya kanyang topic. may nagkukumpulan yung iba naman nasa labas nag'iingay wala rin kasi ang teacher ng St.Peter kaya pumunta ang iba kong kaklase sa kabila sa St.Peter. Lumapit ako sa blackboard wala naman akong magawa dahil absent si floyd si alex naman kausap si allen. si nikki kausap si beatrice at lianne. Kumuha ako ng chalk. naisulat ko na ilang ito. buburahin ko na sana ng bigla akong kalabitin ni nikki. nagulat pa ako dun, lumingon ako sa kanya. nagtatanong na tingin ang pinukol ko sa kanya. nginusuan niya ang nasa likuran ko. Shit! Dali dali kong binura ang sinulat ko sa blackboard. Humarap ako sa kanya yumuko ako sa hiya. "Sorry wala 'yun, wag mo na lang intindihin" pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. nagtama ang paningin naming dalawa. napapailing na lang siya sabay alis. nagpunta siya sa dulo kasama niya ang kaibigan n'yang si carl at joshua. Nakakahiya at si Red pa talaga ang nakakita 'I hate you Red ' yun ang nailagay ko sa blackboard kanina. napatampal ako sa noo ko. nakakahiya first time kong makagawa ng katangahan sa harap niya. hindi pa nga kami masyadong close pero masama na agad tingin ni Red sakin. Arrgh ano ba namang klaseng araw to. Bumalik na ako sa chair ko at nangalumbaba. Ang tanga ko talaga kahit kailan. Di ko man lang inisip na may posibilidad na makita niya ang sinulat ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit iyon ang naisulat ko. Ano kaya ang iinisip ni Red. Baka iba na ang tingin niya sa akin. Bakit kasi 'yun pa ang naisulat ko. Biglang lumapit sakin si Nikki. Lumingon ako sa kaniya at tinitigan siya. Magandang ngiti ang pinakita niya sa akin. "Ayos ka lang?" Tanong niya ng may pag-aalala. Ngumiti ako sa kaniya at sinagot siya. "Yes.." simpleng sabi ko.. "That's good to know.." she said. Naupo siya sa tabi ko. "Alam mo kylie, wala naman masama kung magkagusto ka kay Red." Aniya habang may ngiti sa labi. Agad akong umiling. "No, nagkakamali ka." Napapailing si Nikki dahil sa inasal ko. Totoo naman na wala akong gusto kay Red. Baguhan palang ako dito. Imposibleng magkagusto agad ako sa lalaking di ko pa lubos na kilala. Hinawakan ni Nikki ang kamay ko at marahang pinisil. "Kahit ipagkaila mo. Alam mo sa sarili mo ang totoo. Gusto mo siya at 'yun ang totoo." "Nikki.." tanging nasabi ko. "Don't worry. Walang ibang makakaalam." Aniya at ngumiti. Tinawag ni Alex si Nikki kaya iniwan na muna niya akong mag-isa. Napatulala ako. Maya-maya ay narealize ko ang mga sinabi ni Nikki. Natatawa na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD