CHAPTER TWO - CRUSH

1127 Words
KYLIE POV Isang buwan na simula ng pumasok ako sa Tolentino University. Etong nagdaang araw di ko alam kung bakit biglang lumayo loob sakin si alex pero okay lang, nandyan naman si floyd. Simula ng pumasok ako sa skwelahan na to lagi ko na s'yang nakakasama. Si nikki naman madalas kong nakikitang kasama pa rin ni alex. Mabuti at hindi pa rin nakakalimutan ni alex si nikki. Nakatingin na naman ako kay Red. Totoo nga na kinain ko ang sinabi ko. Alam ko na sa sarili ko na gusto ko siya. Hindi ko pa masyadong nakakausap si Red. Siguro alam niya na. Kaya todo siya kung makaiwas sakin. hayst napabugtong hininga na lang ako. bakit ko nga ba nasabi 'yun? Nakakahiya. Di ko alam sa sarili ko kung bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon. Biglang isang araw iniiwasan na lang ako ni Red ng hindi ko alam ang dahilan. Aaminin kong nasaktan ako. FLASHBACK Kami na lang ng St.Simon Girls ang nandito sa classroom namin. nagsiuwian na mga classmate naming boys. yung iba naman nasa ibaba naghihintay ng sundo. Walang maririnig na ibang ingay dito kung hindi ang mga kaklase kong nag-uusap-usap. Sa kabilang section naman, nakauwi na o baka nasa baba rin di ko alam. Sabi sakin kanina ni julie na magpaiwan muna kami dito sa classroom hanggang sa makaalis na mga boys. Kahit hindi ko alam ang dahilan pumayag na lang ako. "So eto na nga kylie since ikaw ang bago dito pwede bang malaman namin kung sino ang crush mo?" Kinikilig na saad ni kaiza. Napatingin ako sa kanya at nag-iwas din ako ng tingin. Kung alam mo lang na ang pinsan mong si Red ang crush ko pero sorry na lang hindi ko sasabihin ang daldal mo pa naman saad ko sa isip ko. "..ah- ahh ano kasi kaiza wala akong crush." Pinagpapawisan na ako sa paraan nilang tumitig sakin. Feeling ko nasa hot seat ako at konting galaw ko lang mamatay ako. whhaa shit! "Nakita ko kung pano ka tumitig kay Red sigurado ka bang wala kang gusto kahit isa sa mga boys?" nakakunot noong tanong sakin ni gabby. "..Oo wala" sagot ko sabay iwas ng tingin. Pinagpapawisan na ako pero yung tingin nila parang hindi sila satisfy sa sagot ko. "Alam mo kylie okay lang naman kung sabihin mo samin kung sino yung gusto mo. Wag ka ng mahiya sige na." pagpupumilit sakin ni julie. Dapat bang sabihin ko sa kanila? Pero kasi baka sabihin nila kay Red. Lumayo pa sakin yung tao, ayokong mangyare 'yun. "..hayst may iba pa ba akong choice knowing na wala kayong balak tigilan ako makuha lang sagot ko." Napapailing na saad ko. "Si Red ang crush ko pero please wag n'yong sasabihin sa kanya na gusto ko siya" nag-angat ako ng tingin. isa-isa kong tinignan reaction nila, ang unang nakabawi sa pagkabigla si julie. "..Whooaa seryoso si Rafael Edrei de Guzman ang crush mo?" Nahihiyang tumungo ako biglang tugon sa tanong niya ng biglang... "Kyaaahhh! my gad kylie. naku ikaw ha crush mo pala si Red ihh" kinikilig na sigaw ni raven. Naiiling na pinagmasdan ko sila. Patay mukhang manganganib ako n'yan. hindi na sila nagkumento pa at kanya kanya na silang topic. End of flashback Hinilig ko ang ulo sa desk ko ng may naamoy akong pamilyar na amoy na malapit sakin. sino ba 'yun? Napaangat ako ng tingin ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko. "Computer room meet me there." Nakakunot ang noong sabi niya. Nanatili siya ng ilang minuto sa harap ko ng wala s'yang marinig na respond sakin umalis na siya. Dun na ako natahuhan Si Red? Nasa harapan ko? Kinausap ako for the first time? WHAAAAA!! Pinigilan kong mapangiti at kiligin. Teka computer room? Anong gagawin namin dun?! Katulad ng sinabi sakin ni Red nagpunta ako sa labas ng computer room at dun ko siya hinintay. Ano bang gagawin namin dito? Nakarinig ako ng yapak ng paa na pa akyat dito sa Third floor. Dalawa ang hagdan dito. Isa malapit sa classroom ng St.Peter. Ang unang classroom bago ang classroom namin, meron pang dalawang Room. Ang computer room at mapeh room. Yung dalawang room ang nasa dulo malapit naman dun ang pangalawang hagdaan. Kinakabahang napatitig ako kay Red pag katapos n'yang makaakyat dito sa Third floor. Wala ng estudyante dito kundi kami na lang dalawa. Lumapit siya sa kinalalagyan ko. Nahigit ko ang aking hininga ng seryoso s'yang nakatingin sakin. Naibaling ko na lang sa mapeh room ang tingin. Hindi ko kayang salubungin mga titig na pinupukol niya sakin. "Nasabi sakin ni kaiza na gusto mo ako" saad niya. Napamaang ako sa sinabi ni Red si kaiza? Langya sinasabi ko na nga ba hindi siya mapagkakatiwalaan. "...Oo gusto nga kita pero hindi naman kita mahal." sagot ko agad sa sinabi niya. "Ngayun palang sinasabi ko na sayo kylie hinding-hindi ako magkakagusto sayo. Si Ayessa ang gusto ko kaya habang maaga pa kalimutan mo na kung ano man ang nararamdaman mo para sakin" Napayukong tumango na lang ako. Di ko akalain na si Ayessa pala ang gusto niya. "Hindi mo naman kailangan pang sabihin sakin. Alam ko namang na hindi ko dapat maramdam to pero hindi ko mapigilan Red. Gusto lang kita pero hindi ibig sabihin 'nun na mahal kita. Pasensya ka na at sa iba mo pa nalaman. Sasabihin ko din naman sayo. Naghahanap lang ako ng tyempo pero sana hindi ka lumayo sakin ng dahil lang sa crush kita. wag kang mag-alala hindi naman aabot sa puntong mamahalin kita." mahabang sabi ko. Nakatingin ako sa kanya, nagkatitigan kami. Wala akong kahit anong emosyon na nakikita sa gwapo n'yang mukha. "Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo. Ayokong mabulilyaso plano ko para saming dalawa ni Ayessa" sabi niya. "Oo Red, asahan mong hanggang paghanga lang ang nararamdaman ko sayo." Nagring ang phone niya alam kong hindi akin 'yun dahil iba ang ringtone. Kinuha niya sa bulsan ang cellphone tyaka siya bahagyang nagpatagilid inaccept niya ang call. "..Hello? Yes kai? Ahh oo tapos na ako. nandito pa ako sa classroom, sige pakisabi hintayin ako pababa na rin ako" Humarap sakin si Red. "Una na ako basta yung sinabi ko sayo ayokong marakating to kay ayessa" "Makakaasa ka red" nauna na akong bumaba sa kanya. Pagkababa ko galing third floor nakasalubong ko si Ayessa sa hall way. "Teka kylie saan ka galing? Nandyan na sundo mo." nakangiting sabi sakin ni Ayessa. "Pumunta ako sa classroom natin may naiwan lang ako kaya bumalik ako para kunin, ahh sige una na ako." Nagmamadali akong umalis. Nakita ako ni kuya nick kaya kinuha niya sakin ang mga dala ko. Pumasok na ako sa kotse ng mapalingon ako sa gate ng school. Nakita ko si Red at Ayessa na masayang naglalakad. napabuntong hininga na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD