p r o l o g u e

475 Words
"LET'S HAVE A DATE," aya ng isang estrangherong lalaki sa akin. Ang inakala kong simpleng business meeting ay nauwi sa personal na usapan. "Excuse me?" Nanatiling kalmado ang boses ko kahit na-shock din ako sa sinabi niya. Kaming dalawa lang ang nasa conference room. This man called me for a business proposal. At dahil nga, nauubusan na kami ng suppliers, kaagad ko itong sinunggaban, hoping that I could ask for terms. Pero, iba pala ang terms na gusto ng isang 'to. Unbelievable. "I'm already taken, Sir. I can't date with you." "You can. Ayaw mo lang." Nanatiling seryoso ang mga titig nito sa akin. Sa sobrang lagkit, nagbaba ako ng tingin at nagpokus sa brocchures na binigay niya kanina. "You want terms kahit sa first transaction pa? I can give that to you. Thirty days." Bumabagsak ang kumpanya na pinagtatrabahuan ko ngayon. Baon pa sa utang. Hindi na rin ako makautang pa sa existing suppliers namin dahil marami pang payables na hindi pa nababayaran. And this guy's offer is just too good to be true. That was a very high offer, na kay hirap i-refuse. Nanatili akong tahimik sa presensiya ng isang gwapong lalaking parang modelo ang awrahan. Sa magarang pananamit, sa tangkad, sa kinis ng balat, sa pantay-pantay na mga ngipin, sa mga mata nitong nakakaakit, bakit ba ako pinag-aaksayahan ng isang 'to ng oras sa isang date? Is he even fucking serious? "Sir, ganito ka ba talaga sa isang babae? You get want you want?" "If I want you, can I have you?" Nanlaki ang mga mata ko sa rektahan nitong tanong. Bago pa man ako nakahuma, tumawa siya. "I don't like having a woman who doesn't want me to begin with. Let's just have a friendly date." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Nagtama ang aming mga mata. Pakiramdam ko ay may gusto pa 'tong sabihin pero mas pinili na lang na manahimik. Pamilyar ito kung makatingin sa 'kin pero wala naman akong maalala. Muli akong nagbawi ng tingin. "Have we met before?" Hindi ko na mapigilan pa kaya nagtanong na ako. Ngumiti siya pero kaagad ding naglaho. "Kung magkakilala tayo noon Ms. Julie, madali lang ba akong kalimutan?" Stunned, hindi ako nakasagot kaagad. Napailing-iling ako. "I guess I was wrong. Hindi rin naman kasi ako madaling makalimot." Bigla na lang lumapad ang mga ngiti ng lalaking ito at inilahad ang kanang kamay na nag-alangan ko pang kunin. Kamuntik ko pang hablutin pabalik ang kamay ko nang maramdam ang kakaibang init sa kaniyang palad. Akala ko ay mabilis lang ang shake hands na 'yon, but he tenderly holds my hand. Nag-stop ang shake hands namin pero hindi pa rin niya ito binibitiwan. He presses it gently. "Tell me, Ms. Julie. We're in the same universe, right? Does it mean that we can alter fates just to live in two different worlds?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD