Napaisip si Luan nang makita ang luhaang mukha ni Althea, masaya naman itong nakikipagharutan sa mga kaibigan at kay Mang Rudy, pero bakit bigla itong nainis sa mga kaibigan at tila nais mag-walk out. Paalis na ito nang magtama ang paningin kaya kitang-kita niya ang pagbagsak ng mga luha nito. 'May problema kaya siya?' tanong sa isipan nang untagin siya ni Miss Ventura. "Mukhang malungkot yata, baka gusto mo siyang i-please," anito na nagpataas ng dugo niya pero pilit niyang kinalma ang sarili. "Huwag mo akong simulan, Miss Ventura, I'm doing what I think is right kaya huwag mo akong diktahan kung ano ang gagawin ko. Nakikisama ako hangga't kaya ko but you pushes me para layuan ka rin," aniya sa babae at tuluyang napika kaya agad siyang tumayo. "Wait, Luan, okay, sorry," sunod-sunod n

