Pagkatapos ng masaganang hapunan ay mabilis na tumayo ang mga magulang ni Althea, nabahala pa siya dahil ayaw niyang maiwan silang dalawa lamang ni Luan. Kaya nang tatayo na rin siya ay pinigilan siya ng ina. "Kakausapin ka raw ni Luan, hindi ba, hijo?" untag ng ina sa lalaki. Nakatikom ang bibig nito pero tumango-tango ito bilang tugon, wala tuloy nagawa si Althea kundi ang magpaiwan kasama ang lalaki. "Ano'ng pag-uusapan natin," inis na tanong dito. "Galit ka ba?" gagad na tanong nito. "Hindi ba halata," pormal na turan dito na kinatahimik naman nito. "Kung ano man ang sasabihin mo ay sabihin mo na para matapos na 'to," bulalas niya na nakairap sa lalaki. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga. "Althea, alam kong naiinis ka sa 'kin dahil sa pambabalewala ko sa 'yo

