Nang sununod na mga araw, maging si Althea ay iwas na iwas na rin kay Luan bagay na napansin nina Danica at Beatriz. Makakasalubong kasi sana nila ang lalaki nang papunta sila sa kantina nang mabilis silang niyaya ni Althea na magtungo na muna sa banyo. "Bakit parang feeling ko iniiwasan mo talaga si Sir Luan," gagad ni Beatriz. "Oo nga, girl, pangatlong beses na 'to mula noong galing tayo kina Beatriz, may nangyari bang hindi mo kinukuwento sa amin?" bulalas na usisa ni Danica. "Paano mo malalaman, eh, tulog na tulog ka," hindi namamalayang bulong na sagot ni Althea sa kaibigan. "Ha? May sinabi ka ba, girl?" untag pa nito. "Wala, sabi ko, since iniiwasan niya ako ay iiwasan ko na rin siya," mataray na wika niya. Nagtinginan ang dalawa saka ngumisi. "Naku, mukhang jelly ace itong i

