Kinabukasan ay nagulat na lamang si Althea at may mabigat na nakadagan sa kanya, unti-unti niyang idinilat ang mga mata at nasilayan ang guwapong mukha ni Luan. Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari sa kanila kagabi pero wala naman siyang maalala. Babangon sana siya nang makitang hubad na ang suot na mini dress kahapon at tanging ang underware na lamang ang suot niya. Mabilis niyang ginising si Luan sa kanyang tabi. "Uhmmm, bakit?" anito na nakapikit pa rin ang mga mata. Pagsilip ni Althea sa ilalim ng kumot ay biglang nanlaki ang mga mata nang tanging boxer shorts lang ni Luan ang suot nito. "Hey," yugyog niyang gising na rito, doon ay tuluyang nagising ang lalaki at napaupo ito sa kama habang sapo ang ulo. Samantalang agad naman niyang kinipkip ang kumot upang hindi malantad ang

