MASAYA KAMING NAGSALO-SALO sa agahan kanina at nag-aya si Astrid na mag-swimming. I thought she said she wanted to swim in the pool pero gusto raw niya sa dagat. The resort was now open but it was fully booked right now—except of course for my unit. Gusto niyang isama sina Trining para makapaligo rin daw sa dagat ang mga ito. At isa pa ay maganda sa kalusugan ng dalawang matanda ang makasagap ng sariwang hangin. Kaya naman nag-suggest ako sa kaniya na ayain na rin sina Jelay at Carmina kung libre ang mga ito. Magtatanong pa lang siya kung puwedeng isama ni Jelay si Jeffrey ay nakatango na ako sa kaniya. She squealed in happiness at bigla siyang yumakap sa akin saka humalik. Carmina asked if she could bring Nick too. She just started dating him at kahit isang beses ko pa lang siyang nakil

