Prologue°

1253 Words
Hindi ko maipaliwanag ang takot na aking nadarama habang ako ay nasa harapan ng entablado at sa ibaba niyon ay kitang-kita ko ang tingin ng mga lalaki sa akin na para bang gusto nila akong hubaran, mga tinging puno ng pagnanasa. "Show us some skin! " Narinig kong hiyaw ng lalaki sa gawing likuran. "Crystal baby, be mine tonight!" Ang sabi ng may edad ng lalaki na sa tantiya ko ay nasa limampung taong gulang na. Nangilabot ang buo kong katawan. Lalo ko tuloy hinigpitan ang hawak sa robe na tanging tumatakip sa aking halos hubad na katawan dahil sa loob niyon ay two piece red bikini lang ang aking suot. Kakarampot na mga saplot na pilit ipinasuot sa akin ni Madam Chi ang manager ng sikat na club na ito na ekslusibo lang para sa mga mayayamang lalaki na walang magawa kung hindi lustayin ang pera nila sa kanilang mga kapritso. "What are you waiting for Crystal, remove that robe now!" Iritadong utos ni Madam Chi' sa akin, nasa back stage ito at nagtatago sa gilid ng kurtina kung saan ako ay lumabas kanina. Ahhhh.. Hindi ko kaya ang gusto niyang ipagawa sa akin. "Remove that f*ckng robe now!" Galit na hiyaw ng isang lalaki na para bang napakababa ng tingin niya sa akin. Kahit kailan sa buhay ko ay hindi ko inisip na mangyayari sa akin ang mga bagay na ito. Natatakpan ng puting maskara ang kalahati ng aking mukha ngunit hindi iyon sapat para matakpan ang kahihiyan na aking nadarama ngayon. Parang gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa upang matakasan ang bangungot na ito. "Crystal, this is my last warning, if you will not going to remove that robe, I will be the one who remove that to you. Hindi mo magugustuhan iyon dahil kapag ako ang nakalapit d'yan ay wala akong ititira ni isa man diyan sa saplot mo sa 'yong katawan!" Grabe ang takot ko sa bantang iyon sa akin ni Madam Chi sa tono ng pananalita niya at itsura niyang napaka seryoso ay hindi talaga siya nagbibiro alam kong totohanin niya ang kanyang mga sinabi. Nanginginig man ang aking buong katawan sa takot, pikit mata at dahan-dahan kong hinubad ang saplot na tumatakip sa aking katawan kasabay ng pagbagsak niyon ay ang sunod-sunod na patak ng luha sa aking mga mata. "Perfect! " "Beautiful!" "You're such a goddess, Crystal! " "Be my woman and I will give you anything you want." "Fifty thousand, just for one night young lady." Hindi ko na alam kung sino-sino ang mga nagsasalita dahil ang buong atensiyon ko ay nasa pag iisip kung paano ako makakaalis sa lugar na ito ng hindi mahahawakan ng kahit sino man sa mga walang konsensiyang mga mayayamang lalaki na ito ni dulo man ng aking daliri. "I'll double the price, I'll make it one hundred thousand just be with me the whole night." "Two hundred thousand, my dear. " "Two hundred fifty thousand!" "Three hundred thousand gentlemen and the girl is mine." "Three hundred fif---------." Natigilan ang nagsasalita ng bigla na lang may makapangyarihang tinig na dumagundong sa loob ng club, nanahimik ang lahat. "Enough of this bast*rds! " Napakurap-kurap ang aking mga mata, isang napakaguwapong nilalang na para bang isang prinsipe sa itsura at tindig ang bigla na lang sumulpot sa kawalan. Habang lumalakad ito papunta sa aking kinaroroonan ay para bang nababalutan siya ng liwanag, dahilan para mangibabaw siya sa karamihan. Lalo akong humanga dahil higit na magandang lalaki pala ito sa malapitan. Agad nitong hinubad ang suot na coat at ibinalabal sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla nalang niyang hinawakan ang aking kamay at pilit akong itinago sa kaniyang likuran. Tsh, bakit bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko? Ang bilis ng pintig niyon na para bang hinahabol ako ng sampung kabayo. "FIVE HUNDRED THOUSAND PESOS, END OF BID!" "LOOSEN UP PEOPLE, SHE'S ALL MINE!" " HUWAG N'YO NANG TANGKAING KALABANIN AKO DAHIL ALAM N'YO NA KUNG SAAN KAYO PUPULUTIN ORAS NA GAWIN NINYO IYON. " Ni isa man sa mga tao sa loob ng class na club na ito ay walang nagtangkang magsalita. Lahat ay para bang nagsi-urong ang mga dila, kahit madilim ay kitang kita ko ang dismayadong mukha ng mga desperadong lalaking ito. Kumuha ng checke at ballpen ang estrangherong lalake sa kanyang bulsa at may isinulat duon, pagkatapos ay binalingan nito si Madam Chi." "Here's my payment, I hope you will leave this girl in peace." Tarantang inabot ni Madam Chi ang checke dito at nagmamadaling pumunta sa counter, inutusan ang cashier duon na itabi ang naturang checke. "Thank you, Mr. Monteclaro! Enjoy the night." Makahulugang ngumiti ito at bumaling ng tingin sa akin, lalo akong nagsumiksik sa likod ng lalaki napakapit pa ako ng husto sa braso nito dahil sa sobrang takot kay, Madam Chi. Pagkatapos maibalik sa kanyang bulsa ang booklet ng checke ay bumaling ito sa akin, hinawakan nito ang aking kamay, bumaba kami ng stage at dumaan sa gitna ng karamihan patungo sa exit door. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na kami sa mala-impyernong lugar na iyon. "Te---teka lang po, sir! Saan n'yo po ako dadalhin?" Nag-aalalang tanong ko. Kahit naman hindi matawaran ang ka-gwapuhan ng aking kaharap ay nakaramdam parin ako ng takot. Paano kung higit palang masama ang lalaking ito kaysa sa mga tao sa loob? At anong gagawin niya sa akin matapos niya akong bilhin ng kalahating milyon sa club na iyon? Bumaling ito ng tingin sa akin at nangunot ang noo. "You have no right to ask, I spend half a million tonight just for you to get rid of those cannibals. You should have to thank me instead. Now, get in the car and keep quiet, just save your energy later." Waaah... Save my energy daw! Bakit ano ba ang balak gawin sa akin ng lalaking ito? Nangangamba man pero, bakit hindi ko magawang hindi sundin ang utos niya? Halos lahat ng nakaparada sa parking na iyon ay mga luxury cars at hindi ko maiwasang mapanganga sa ganda ng sasakyan ng lalaking ito. Sports car na dilaw na mas mahal pa ata sa buhay ko. Kahit siguro mag-trabaho pa ako ng habang buhay ay hindi ko parin magagawang makabili ng magarang sasakyan na kagaya nito. Alumpihit na pumuwesto ako ng upo sa passenger's seat. Hindi pa agad kami umalis dahil ng makapasok narin ito sa loob ay agad na naglabas ng cellphone at may dinial na numero roon. Ilang segundo lang ay sumagot na ang tinatawagan nito. Matamang nakatingin lang ako rito, pinagmamasdan ko ang mga kilos niya. Ang napaka-perpektong mukha nito, pati na rin ang pagbuka ng kanyang bibig habang nagsasalita na may kausap sa telepono ay para bang ako ay nahi-hipnotismo. "Sandy, I know it's late at night but can you do me a favor?" " Please prepare a dress for a girl, just a small size will do. I'll go and pick it up on your boutique. I'll be there in ten minutes." " Okay, thank you so much, dear!" "Bye!" "Let's go! " Bigla akong napakislot ng pitikin nito ang kanyang mga daliri sa harapan ng aking mukha. "I know I'm gorgeously handsome but, don't look at me like I'm the only man living in this world. You looks so fascinated, sweetheart." Pilyong ngiti ang ibinigay nito sa akin sabay kindat. Pinamulahan ako ng pisngi sa kahihiyan hindi ko alam na napansin pala niya ang pagiging tulala ko. Ang gabing ito ay ang araw na hinding-hindi ko malilimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD