One

1468 Words
             "Saan mo na naman ako dadalhin, Maria?? Naku, pag talaga ako ang mapagalitan ng mga magulang mo dahil sa kalokohan mong ito, masasabunutan talaga kitang gaga ka."              Umirap ako. "Wag kang mag-alala. Akong bahala sayo."              Pumasok kami sa isang gate na gawa lang sa kahoy. Simple lang ang bahay na yun. Mula sa kinatatayuan namin ay rinig namin ang halakhakan mula sa loob. Inayos ko ang suot kong wig at ang napaka-kikay kong damit saka taas noong naglakad papasok. Ramdam ko ang kaba ng kasama kong si Tonio, ang kaibigan kong bakla. Eto ang unang beses na sinama ko siya sa raket kong ito. Marami akong raket pero eto ang pinakamalupet. Wala kasing ibang magdadala ng damit ko. Wala din akong sasakyan dahil binawi ni daddy.              Hindi ko talaga gets kung ba't may pa-grounded grounded pa silang nalalaman eh hindi rin naman nila ako napipigil na umalis ng bahay. Pag wala ako sa bahay hindi rin naman nila napapansin. Dapat ay hinahayaan na lang nila ako. Namimili naman ako ng gulong pinapasukan. Di dapat sila masyadong nag-aalala.              Nasa bukana palang ng pinto ay nakuha ko na agad ang atensyon ng mga tao sa paligid. Natahimik ang mga ito. Hinanda ko na agad ang baon ko. Hinanap ko ang taong dahilan kung ba't ako andito in the first place. Nang makita ko ito ay agad akong naglakad diretso sa kanya.              Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa pagmumukha nito.              "Walanghiya ka!!! Ang kapal ng mukha mo! Matapos mo akong gamitin ay ipagpapalit mo lang ako sa ibang babae? Anong klaseng lalaki ka? Napakawalang puso mo!! Hayop ka!!" sigaw ko rito sabay ng pag-iyak.              Humawak ito sa pisngi niya. "Carmina... Magpapaliwanag ako--"              Pak! Sampal. "Ano pang ipapaliwanag mo?? Hindi ko na kailangang marinig ang iba pang kasinungalingan mo. Andito lang naman ako para iparating sa buong baryo kung gaano ka kawalang kwentang lalaki! Matapos mo akong buntusin at ipalaglag mo ang anak natin... Hindi ako makakapayag na maging masaya ka!!"              Napasinghap ang mga tao sa paligid. Hindi makapaniwala sa naririnig. Lumapit ang isang may katandaang babae sa kaniya.              "Anong ibig sabihin nito, Arnaldo?" hindi makapaniwalang tanong nito.              "N-Nay... Magpapaliwanag po ako--"              Hindi na naman niya natapos ang sasabihin ng sampalin siya ng ina. Sa sobrang sama ng loob ng babae ay umiiyak itong tumakbo paalis sa eksena. Agad na sinundan ng mga kapatid nito ang matanda. Sinilip ko ang babaeng pakakasalan sana nito. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Mukhang hindi ito makapagsalita matapos ang lahat ng narinig.              "Jennelyn--"              "Hindi ako makapaniwala sa nga naririnig ko ngayon, Arnaldo. Totoo ba na pinalaglag mo ang batang dinadala niya?"              "Ginawa ko lang yun para sayo. Ayaw kong--"              Pak! Pang-apat na. "Wala ka talagang kwenta!! Sana ay karmahin ka at ang babaeng mapapangasawa mo! Sana ay magkaroon kayo ng problemadong pagsasama hanggang sa maisipan na lang ninyong maghiwalay! Isa kang makasalanang tao, Arnaldo! Siguradong hihilahin mo lang papuntang impyerno ang kung sino man ang magpapakasal sayo!!"              Hindi ko na kailangan pang magsalita pagkatapos ng sinabi ko dahil agad na umalis sa harap namin ang babaeng papakasalan sana nito. Hinila nito palabas ang tingin ko ay pamilya nito. Susugod sana ang isang lalaking kalbo. Buti na lang ay napigilan ito ng ibang bisita.              "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa dalawang babaeng ito, Arnaldo! Tandaan mo yan!" sigaw ni Mamang kalbo.              Napaluhod si Arnaldo habang umiiyak. Mahina ko itong sinipa. "Kailangan mong bayaran ang lahat ng nagawa ko sayo, Arnaldo. Hindi ako basta basta, kaya ihanda mo na ang ipambabayad mo."              After that speech, mabilis na rin akong naglakad paalis sa bahay na yun. Nahihintakutang sumunod sa akin si Tonio na hindi alam kung matutuwa o mag-aalala.              Nang makarating kami sa tinutuluyan naming hotel, agad kong binura lahat ng make up na nilagay ko sa mukha ko. Hindi ko mapigilan ang malakas kong tawa. That was really hilarious. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako nadidiscover ng abs-cbn.              "Gaga ka talaga, Maria! Hindi ko na alam ang gagawin sayo! Paano na lang kung sinaktan ka ng mga taong andun? Jusko naman." anitong wala pa ring patid sa pangangalit sa akin.              "Wala namang nangyari diba? Tsk. I just help that guy. In the first place, ayaw naman talaga niyang pakasalan yung babae."              "Kahit na!! Kailan mo ba naisipang magkaroon ng ganitong negosyo?? Pwede ka namang magtayo na lang ng restaurant. Kung gusto mo mag-artista, mag-audition ka gaga."              I rolled my eyes. Sunod sunod na katok ang bumulahaw sa amin. Agad akong tumayo at binuksan iyun. Napangiti ako ng makita si Arnaldo. Namamaga ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. Malamang ay pinagalitan pa ito ng buo niyang pamilya bago siya nakapunta rito.              Tiningnan ko muna ang buong paligid bago ko siya pinapasok sa loob ng kwarto. Mahirap na at baka may sumunod.              Nang nasa loob na ay nilabas nito ang isang envelop na punong-puno. "Oh yan na ang ang bayad ko sayo, girl. Walang sobra, walang kulang." aniya.              Tiningnan ko ang laman nun. "Siguraduhin mo lang na sakto ang binayad mo kundi hahuntingin kita!"              "Sakto nga yan. Pinag-iponan ko pa yan. Oh, bayad na ako sayo ah? Saka salamat na rin pala sa ginawa mo kanina. Kung hindi kita nakilala, baka tuluyan na akong naikasal sa chakang babaeng yun."              "Oh sige na. Salamat rin dito sa bayad. Eto'y payong kaibigan lang, Arnaldo... Kung gusto mo talagang maging masaya na diyan sa buhay mo, mabuti pa'y sabihin mo na sa mga magulang mo ang tunay mong pagkatao. Ipapakasal at ipapakasal ka nila sa ibang babae kahit hindi ngayon. Made up your mind before it's too late, bakla."              Ngumuso siya. "Humuhugot pa ako ng lakas ng loob. Magagawa ko rin iyang sinasabi mo. Balang araw."              "Ipagdadasal kita, kaibigang Arnaldo." sincero kong wika habang tinatapik-tapik ito sa balikat.              Matapos ang transakyon namin ng kliyente ko, umalis na ito ng kwarto. Nag-ayos na ako ng sarili. Tinanggal ko na lahat ng suot ko kanina saka nagbihis ng pormal na damit. After that, umalis na kami ni Tonio. Kailangan ko na bumalik sa Manila. Bukas na ang kasal ng pinsan ko kaya hindi ako dapat mawala.              "Hindi ko talaga alam kung ba't kailangan mo pang gawin ito. Sunod naman lahat ng luho mo, nakukuha mo kahit anong gusto mo." ani Tonio.              Nakasakay na kami ng bus pabalik ng Manila. Naisipan ko sanang kunin si Tonio bilang personal assistant ko kaya lang, mukhang shunga lang toh kung magsalita. Ang daming alam na negativity. Aayaw-ayaw, hinahayaan naman ako. Tsk. Ewan ko dito sa baklang toh. Sarap din kutusan.              "Marami talagang bagay sa mundo na hindi mo kayang maintindihan lalo na kung kasing liit lang ng green peas ang utak mo. Wag ka na masyadong mag-isip pa, kumareng Tonio. Dapat ay buong puso mo ng niyayakap ngayon pa lang ang kadilimang andyan sa kaibuturan ng iyong puso."              Umiling-iling ito. "Ewan ko sayo. Ano naman kayang balak mo sa susunod."              I snapped my fingers. "Speaking of balak... Balak ko sanang maging manghuhula. Madali lang naman yun eh. Tatambay lang ako sa harap ng simbahan tapos--"              "That's it! Isusumbong na talaga kita sa daddy mo!"              Napasimangot ako sa sinabi niya. I crossed my arms tapos niliitan ko siya ng mata. "Magkano ba ang katahimikan mo at bibilhin ko? Marami akong pera. Sabihin mo lang. Dodoblehin ko ang bayad ng daddy ko sayo. Mas mayaman ako sa kanya, Tonio. Dapat ngayon pa lang, iniisip mo na kung kanino ka ba talaga loyal."              "Ewan ko sayo!" ang tanging sagot niya saka binaba ang suot na sumbrero para matakpan ang hindi kaaya-aya niyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD