Manila, 1950 “Pasok ho kayo.” “Iho, tama ba ang balitang namimigay kayo ng mga libreng kagamutan laban sa kumakalat na sakit?” tanong ng isang matandang lalaki kay Jonas. Kapansin-pansin ngayon ang panghihina ng matanda at ang nagkalat na kulay itim na pantal at mga bukol sa kaniyang katawan dala ng sakit na kumakalat. “Opo tay, dito nga po iyon. Mabuti pa at pumasok na po kayo sa loob nang mabigyan po kayo ng kagamutan,” tugon ni Jonas na siya ngang inalalayan ang matanda at inabutan ng medical mask upang matigilan ang pagkalat ng sakit. Pagpasok nila sa bodega ay halos mapuno na nga ito ng mga nakahilatang mga pasyente na kasalukuyang ginagamot at binibigyan ng antibiotics nila Helda at Bernard. “Marami-rami na ang mga

