Kabanata 19 |Masisisi|

1340 Words

“Royal Flush, all the same suit,” nakangiting sambit ni Bernard matapos ipakita ang mga braha dahilan upang dismayadong ibaba ngayon ni Helda ang kaniyang mga braha. “Ni wala talagang pagkakataon na natalo kita Kuya Bernard,” sambit ni Helda na siya ngang dahilan upang matawa ngayon si Bernard at guluhin ang buhok nito. Matapos silang makakain ng hapunan na anim ay nagpasya silang maglaro ng braha sa sala bago pa man nila pag-usapan ang tunay nilang pakay kung bakit sila nagkita-kitang lahat sa kalagitnaan ng gabi.           “N—nasaan pala si Hanelle? Nakailang laro na tayo ha, hindi ba siya sasali rito?” sunod-sunod na tanong ni Mary habang nagbabalasa ng braha para sa panibagong laro.           “Nagpaalam ho siya sa akin na magpapahangin lang daw muna siya sa labas,” sagot ni Jonas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD