"MGA anak, huwag kayong magulat at mas lalong huwag magtampo sa amin ng Mommy ninyo. Dahil sa katunayan ay labis-labis kaming nagpapasalamat sa inyong lahat. Alam naming gusto n'yo lang kaming pasayahin at ibalik ang sinasabi n'yong kabaitan. Ngunit bilang ama ninyong lahat at apo ng mga anak ninyo ay ako na ang nagsasabing mas masaya akong nakikita kayong may team work. Nagkakaunawaan sa maraming bagay. O mas tamang sabihing, hindi sagabal ang distansiya at oras upang mapabayaan n'yo ang isa't isa." Mahaba-habang pahayag ni Hitler bago binalingan ang pinakamamahal niyang asawa. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Mr Lopez. Baka ako'y matunaw. Ikaw din, baka hindi ka mapatahan ng mga anak natin kapag ako ang mawala. Aba'y nasimulan mo na kaya't tapusin mo rin," saad nitong nakatawa. Kas
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


