bc

ASHLEY MONTEZ

book_age18+
894
FOLLOW
2.7K
READ
brave
gangster
tragedy
bxg
crime
brutal
like
intro-logo
Blurb

This is a continuation of the story of the Gang Leader. After she revealed her true identity to all of her friends and even enemies. After finding her brother. Another problem arises. Another Gang is getting on her way to the peaceful life she wanted.

chap-preview
Free preview
ONE
  ONE      ---      Boring.      Ang gandang bati, hindi ba?      Tss.      Nandito lang ako sa bahay.      Walang ginagawa.      Kakagraduate lang namin. At ako, heto at tambay.      Tinatamad pa kasi talaga akong magtrabaho. Kaya pa naman ng daddy ko, eh.      Si Blake, tini-train na ng mga magulang nya sa paghandle ng business nila. Siya na rin ngayon ang may hawak ng Wilson's University. Si Bryan, magbubukas na ng branch ng Sparks. Umaasenso ang mokong dahil sa bisyo nya. Si Troy, siya na ang nagma-manage ng kumpanya nila.      Ako na lang talaga ang walang silbi, eh.      Halos mapabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga ko dito sa kama ko ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko na itinapon ko kanina kung saan.      Bwisit! Saan ko nga ba banda hinagis?!      Mabilis akong yumuko sa may ilalim ng couch ng makita ko ang pag-ilaw mula doon.      Bryan Calling...      Anak ng pusa naman, oh!      Sinagot ko ang tawag ng walangyang paasa!      "Leche! Anong kailangan mo?! " Sigaw ko sa kanya.      "Hello din sa'yo! Hindi ka na natutong bumati ng maayos."      "Alam mo ba kung anong oras na?!" Maga-alas onse na kasi ng gabi at nangiistorbo pa.      "Anong akala mo sa akin? Nakagraduate ng kolehiyo ng hindi marunong bumasa ng oras? Syempre alam ko. Mag-aalas-onse na ng umaga ngayon sa New York at break na ng Girlfriend mo." Mayabang na sabi nya at pinaalala nya pa talaga, ha?!      "Gago! Alam mo naman pala, bakit ka pa tumatawag?!"      Narinig ko naman ang tawanan sa kabilang linya. Malamang naka-loudspeaker 'to.      "Lahat ng tumawa, humanda kayo sa akin." Banta ko sa kanila.      "Iimbitahan ka lang sana namin dito. Ang tagal mo ng hindi nagpaparamdam, eh."      Kung nasa harapan ko lang ang isang 'to, kanina ko pa nabugbog.      "Ano na, Ethan? Pumunta ka na! Maraming chicks dito!" Dinig kong sigaw ni Blake sa kabilang linya.      "Matawagan nga si Cath.."      Nasa Italy kasi ngayon si Cath kasama ang mga magulang nya at nagbabakasyon. At oo, sa kasamaang palad. Sila pa rin. Napagtyagaan ni Cath, eh.      "Tol, wala naman ganyanan. Ikaw lang naman ang bibigyan ko ng chicks, eh."      "Edi kay Ashley na lang ako tatawag.."      "Ethan, gusto mo bang mabawasan ang mga kaibigan mo? Alam mo namang may pagka-amazona 'yung si Ashley, eh." Napangisi ako.      "Tumigil ka nga muna, Blake!" Si Troy 'yon. "Ethan?"      "Hmm?"      "Pumunta ka na dito. Para dalawa tayong mag-uuwi ng lasing mamaya." Tapos ay tumawa sya.      Alam ko na 'yon.      "Sige. Punta ako maya-maya kapag tumawag na si Ashley."      "Eh, paano kapag hindi tumawag?" Si Bryan.      Walangya 'to!      "Papasabugin ko ang Sparks pati na ang Skraps na magbubukas pa lang."      Nagtawanan ulit sila. Dinig ko rin ang hagikgik ng mga babae. Tss.      "Tss. Ang ampalaya mo! Hindi lang tumawag, nangdadamay ka na!"      "Anong klaseng pagsabog ang gusto mo? 'Yung wala bang casualties, o 'yung kasama ang may-ari sa sasabog?"      "Joke lang. Ito naman. Sige na. Punta ka nalang. Ibababa ko na at baka tumatawag na si Ashley."      Tch. Gusto pa ng pinagbabantaan, eh!      Bwisit! Akala ko pa naman sya na ang tumatawag.      Hinagis ko na ulit ang cellphone ko. This time, sa may kama ko naman.      Nahiga lang ako sa may couch.      Hindi na sya tumawag kahapon, pati ba naman ngayon? Nasaan ang hustisya doon?      Naiwan kasi ng isang taon sa amin si Ashley kaya hanggang ngayon ay nag-aaral pa rin sya. At sa New York nya itinuloy 'yon. Bakit? Ewan ko! Leche! Nakalimutan ko na ang dahilan nya!      Maya-maya pa ay tumunog ulit ang cellphone ko.      Kapag ito, hindi si Ashley, pupunta na ako ng Sparks! Hindi ko sya kakausapin at sya naman ang magsawa kakatawag sa akin!      Ang usapan kasi namin kapag may klase sya ay sya ang tatawag sa akin kapag free time nya. Kaya naghihintay lang ako sa tawag nya at hindi ko sya pwedeng tawagan.      Dahan-dahan akong lumapit sa kama ko at unti-unting sinilip ang screen ng cellphone ko. Isang minuto ata ang nakonsumo ko para doon.      Sofia Ashley Buenavista Calling...      Shit!      Agad-agad kong dinampot ang cellphone ko at mabilis na ni-swipe ang screen para sagutin.      "H-Hello?"      "Bakit ang tagal mong sumagot?! Nasa Sparks ka, ano?!"      "H-Ha? Wala, ah!"      Teka, teka. Bakit parang nabaliktad yata?      "Bakit ikaw pa ang nagagalit d'yan? Kanina pa ako naghihintay ng tawag galing sa'yo. Bakit ngayon ka lang tumawag?!"      "'Wag mo ngang ibahin ang usapan! Nasaan ka?!" Sigaw nya.      "'Wag mong iligaw ang usapan! Wala ako sa Sparks! Nandito ako sa kwarto ko!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Kailan ba ang huling mahinahon na pag-uusap namin? Hindi ko na matandaan.      "Kwarto mo sa Sparks?! May sarili ka ng kwarto sa Sparks?!" Kundi ko lang mahal ang babaeng 'to? Pinatapon ko na sa Syria!      "Ano?! Wala nga ako sa Sparks! Nandito ako sa kwarto ko sa bahay!"      "Sigurado ka?" Medyo humina na 'yung boses nya.      "Yes. Wanna talk to my Dad?"      "Ewan ko sa'yo!"      Tumawa ako. Ayos na sila ng daddy ko. Obviously, nautusan nya na nga, eh. Pero hindi porket ayos na sila ay magkasundo na talaga sila.      "Tinatawa-tawa mo? Wanna talk to my brother?" Balik nya sa akin.      Well, ayos naman kami ng kuya nya. Pero ayoko syang kausap. Nakaka... intimidate? Ewan.      "Tss. I want to talk to your dad and not with your brother."      "Tss." Napangisi naman ako.      Nahiga ako sa kama ko ng maayos at inunan ang kaliwang braso ko.      "What? I'm serious here, baby."      Hindi ko pa kasi nameet ang parents nya. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa kanila sa New York.      "Really?"      "Oo naman. I'll propose to them."      Natahimik sya sa kabilang linya. Alam kong umirap sya habang nakangisi. Tss. Tss.      "Bakit, kaya mo na ba akong pakasalan sa ilalim ng eiffel tower?" Ano raw? Hahaha!      I really love this girl. Mapagtripan nga.      "Ano? Anong sinasabi mo? What I mean is, may business proposal ako sa kanila." Hahahaha! For sure umuusok na naman ang ilong nito.      "Gano'n?! Fine!" Sigaw nya at binabaan ako ng telepono.      Nakangiti ako habang sinusubukang idial ulit ang number nya pero hindi nya sinasagot.      Tinext ko na lang sya.      To: Sofia Ashley Buenavista      My way to Sparks. New attraction; Strip show. Girls in underwear all around the bar.      Message sent.      Ilang segundo lang ay tumunog ulit ang cellphone ko.      Don't you dare, Ethan. Papasabugin ko ang buong Sparks kasama kayong magkakaibigan.      Dinial ko ulit ang number nya at ngayon ay sinagot nya na.      "Subukan mong pumunta do'n at--" Pinutol ko na ang sasabihin nya.      "Hindi. Wala namang gano'n sa Sparks." Sabi ko at tumawa.      "Anong ibig mong sabihin n'yan? Pupunta ka nga do'n kung may mga hubad na babae?!"      Umikot ako sa kama at dumapa.      "At ano naman ang gagawin ko sa mga hubad na babae, kung hindi naman ikaw?"      Natahimik ulit sya sa kabilang linya. Lalo naman lumapad ang ngisi ko.      "Hey, Ash. Still there?"      "Yeah. Ahm, matatapos na ang break namin. Papasok na 'ko sa klase ko."      "Oh. Okay. Take care, Ash. I love you."      Kahit kailan hindi ko naimagine na magiging ganito ako sa isang babae.      "Ctrl C."      Ang gandang sagot, no?      "Ashley!"      Tumawa naman sya.      "Kidding, babe. I love you."      "Lumayo-layo ka kay James, ah!"      "Subukan mong lumapit sa ibang babae at pagbubuhulin ko kayo!"      Nakangiti ko ng binaba ang phone ko matapos nyang putulin ang tawag.      Ang sweet namin, no?      Atleast, hindi kami nagmumurahan.      Tumayo na ako sa kama at nagtungo na ng shower.      Nagbihis ako at kinuha na ang susi ng kotse ko at lumabas na.      Pupunta na ako ng Sparks. Matagal na rin akong hindi nakakasama sa mga lakad ng Knights.      Pasado alas-dose na ng makarating ako ng Sparks. Pero 'yung mga ganitong oras, nagsisimula pa lang ang kasiyahan n'yan.      Hiyawan at malakas na tugtog ang sumalubong sa akin pagkapasok ko ng bar.      May mga nagme-make out pa sa iba't-ibang sulok ng bar. What do you expect? Bar nga di ba?      Wala namang nagtatangkang humarang sa daanan ko kaya nakarating ako ng matiwasay kung nasaan ang Knights.      "Hey! Heto na pala sya, eh." Sabi ni Bryan habang hinahalikan sya sa leeg ng babaeng nakakandong sa kanya.      "Get a room! Ang laswa n'yo ng tingnan!"      Tumawa naman ang mokong.      "Mukhang naiinggit ka, ah. Gusto mo din? May bagong pasok.." Nagtaas-baba pa ang kilay nya.      Napailing na lang ako at kumuha ng isang bote ng beer na nasa mesa.      "Mukhang siya ata ang gusto mo, eh." Sabay tingin nya sa babaeng nasa kandungan nya.      Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ko kaya kinuha ko muna.      Sofia Ashley Buenavista:      Subukan mong hawakan 'yang babaeng 'yan at sabay ko kayong ipapatapon sa outer space.      Hoy, Bryan! Tigilan mo 'yan at buburahin ko sa mapa 'yang lecheng bar mo! Isasabay ko pa 'yung bagong kotse mo na nasa labas ng bahay mo ngayon!      Pagkabasa ko no'n ay ngumisi ako at inilapag sa mesa ang cellphone ko.      "Oh, basahin mo. Ng matakot ka kahit konti." Sabi ko kay Bryan.      Inalis nya muna sa kandungan nya ang babae at inabot ang cellphone ko.      "Shit! Not my car!" Mura nya matapos mabasa ang message.      Kinuha naman nila Troy at Blake ang cellphone ko mula sa kanya.      Sabay silang tumawa matapos basahin ni Blake ng malakas ang sinabi ni Ashley.      "'Yan! Gago ka kasi! Alam mo namang daig pa no'n ang may CCTV sa dami ng mga source nya dito!" Sabi ni Troy.      "Ako dati kinakabahan kay, Ethan, eh. Pero ngayon mas natatakot na 'ko kay Ashley!" si Blake naman 'yan.      "Doon na nga kayo. Pati ikaw. 'Wag na 'wag mong lalapitan 'tong si Ethan, ah?! Kapag nakikita mo na syang palapit, lumayo ka na. Mapapahamak ako ng dahil sa 'yo eh. Sige na.. Doon na kayo." Sabi ni Bryan sa tatlong babaeng kasama nya.      Mabuti alam n'yang seryoso si Ashley sa sinabi nya. At alam naman naming kaya nya ngang gawin 'yon.      Nagtawanan na lang kami.      Maya-maya pa ay nagvibrate ulit ang cellphone ko na nasa mesa.      Si Ashley ulit.      'Wag iinom ng marami. Ingat ka.      Napangiti naman ako.      Kahit masyadong brutal ang babaeng 'to, may ganyan pa rin syang side. And that's what I love about her.      Nagreply ako.      Yes, babe. Ingat ka din. I love you.      Nagreply naman din sya kaagad.      I love you. Dito na ang prof. Text you later. Pag nalasing si Bryan, pakitapon na lang sa may tulay.      Lalo naman akong natawa sa sinabi nya.      

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.7K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

SILENCE

read
380.4K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook