Araw ng kasal namin ngayon ni Nayeli. Hindi ako mapakali habang kinukuhanan ako ng litrato ng photographer. Iniisip ko kung ano ang ginagawa ni Nayeli ngayong mga oras na 'to. Kahapon pa kasi kami hindi nagkikita ni Nayeli dahil sa pamahiin ng mga matatanda. Hindi rin kami allowed na magpalitan ng text dahil pinagbabawal din ito ni Mommy. Kinolekta niya ang mga cellphone namin dahil baka raw maisip namin mag-video call at hindi sumunod sa kanilang mga pamahiin. Gusto ko man tumakas dito at puntahan siya sa hotel kung saan siya nag-i-stay kasama sina Mommy at Daddy. Hindi ko naman magawa dahil ayaw kong baliin ang tradisyon na kinalakihan ng mga matatanda. Binibigyan ko ng paggalang ang mga paniniwala nila kaya nagtiis ako na hindi makita ang aking mahal. "One more time, Sir. Isang shot n

