bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

book_age18+
413.5K
FOLLOW
406.7K
READ
dark
love-triangle
possessive
sex
age gap
goodgirl
heavy
straight
first love
like
intro-logo
Blurb

Warning: this story is not suitable for young readers and sensitive minds. Contains graphic sex scene, adult language and situation intended for mature readers only.

Ataska Milan, a girl with an innocent face, childlike smile and a little ray of sunlight to everyone. Ngunit sinong mag-aakala na ang isang katulad niya ay may tinatago pa lang lihim? Sekreto na sa kasamaang palad, ang kaisa-isa at lalaking tanging na nakakapagpainit ng laman niya sa galit at pagkabwiset pa ang makakatuklas.

Walang iba kun'di si Finn Wolfhard, the so called "badboy" ng campus. She hates him being so boastful and arrogant. In short salot sa campus!

But his older brother Fletcher Wolfhard. Is total opposite. Mr Perfect, the campus eye magnet, head turner at pantansya ng mga kababaihan sa campus. Isa na doon si Ataska, matitigan pa lang ng lalaki ay para na siyang papanawan ng ulirat. But he's out of her league. Isa itong professor/university dean and ten years older than her!

But to her surprised... ang kagalang-galang na professor ay may lihim din pa lang itinatago at siya ang nakatuklas noon.

Oh, noes! Paano niya pakikitunguhan si Fletcher matapos niyang malaman ang lihim nito? At si Finn? Anong gagawin niya para hindi ipagkalat ng lalaki ang kaniyang sekreto?

Oh-oh... This is gonna be a roller coaster ride!

Copyright © TheJealousWitch

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"GOOD MORNING, Manong Guard!" masigla at magiliw na bati ni Ataska sa guwardiyang nakatayo sa gilid ng gate papasok ng university. "Magandang umaga din, Ineng," ganting bati nito na nakipag-high pa sa kaniya. Nilingon niya ito saka nagthumbs up. Nilalakad na ni Ataska ang mahabang hallway nang mamataan naman ang isang janitor na nag-momop ng sahig. Huminto siya, inayos ang suot nitong sumbrero at matamis na ngumiti. "Have a great day, Kuya George!" anya't nilampasan ito. Lahat nang makasalubong ni Ataska na kilala sa pathway ay nginingitian at binabati. Ang bansag sa kaniya ng mga kaklase sa university ay Little Ms. Sunshine— because her childlike smile and charming personality could put a little ray of sunshine to everyone. Ulilang lubos si Ataska. Siya lang ang nakaligtas sa car accident na kinasangkutan noong dose anyos siya. Nabunggo ng rumaragasang sports car ang lumang pick up na sinasakyan nila— dahilan para sumalpok iyon sa isang malaking puno na naging sanhi ng kamatayan ng mga magulang. Dead on arrival ang mga ito bago pa madala sa ospital. Bata pa siya noong panahong iyon at mukhang may sinasabi sa buhay ang nakadisgrasya sa kanila kaya't abswelto ang kaso at napunta siya sa bahay ampunan. Wala kasing ni isang kamag-anak na kinagisnan si Ataska. Tuwing tatanungin naman niya ang mga magulang noong nabubuhay pa madalas ngiti lang ang tanging isinasagot sa mga katanungan niya. Growing up alone. Marami nang dinanas na hirap sa buhay si Ataska. Pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtulong-tulong sa bahay ampunan noong nakatira pa siya doon. Siya na kasi ang pinakamatanda at mas pinili nga niyang huwag mag pa-ampon sa kung sino mang poster sa kadahilanang gusto niyang mamuhay mag-isa at hanapin ang taong kumitil sa buhay ng mga magulang maging ang mga sagot sa katanungan na iniwan ng mga ito. Nang tumuntong si Ataska sa edad na dise-otso anyos, pinayagang na siyang umalis sa poder ng ampunan. Isang taon na din ang nakalipas mula noon. Umuupa na siya ngayon sa isang maliit na apartment o mas maituturing na kwarto lang malapit sa university na pinapasukan. Swerteng nabigyan siya ng sponsorhip sa orphanage bago siya umalis, kaya napagkolehiyo siya ngayon. She's taking up Bachelor's of Science in Psychology sa kilalang University of the South. Actually gusto niyang mag Early Childhood Education (ECE) para maging preschool teacher. Mahilig kasi siya sa mga bata. Subalit dahil sa trauma na dinanas niya sa murang edad matapos ang aksidente. Nagpasya siyang nais matulungan ang mga batang tulad niya ang pinagdaanan balang araw. Doble-doble rin ang kayod niya upang buhayin ang sarili at may ipang-tustos sa pag-aaral. Kapag nasa university umi-ekstra siyang book keeper kahit paano ang libreng food stab na siyang bayad sa serbisyo niya ay sapat na para makakain sa pananghalian, hapunan na lang po-problemahin niya. Nag-tu-tutor din siya sa mga kapatid ng kaklaseng nasa elementarya at high school after school at sa gabi'y nagtatrabaho siya bilang waiter sa isang maliit na resto bar. Umiikot ang buhay niya sa bahay at paaralan. At hindi tulad ng iba na puro reklamo sa hirap ng buhay. Her perspective in life is still positive, she's always looking in to the bright side of things. Para bang gaano man kahirap ang life, hinahanap pa rin niya iyon ng dahilan para may ipagpasalamat. Little Miss Sunshine, really suits her personality. "GIRL!" Nahinto sa paglalakad si Ataska at lumingon sa pinanggalingan ng matinis na tili. Si Elena, kung anong kina-manang ng pangalan nito, kabaligtaran sa personality ng kaibigan. As usual nakasuot ito ng daily outfit na crop top blouse na tinernohan ng denim mini-skirt na kitang-kita ang mga legs at kasing pula ng labi ang suot na steletto na pwede ng gawing secret weapon sobrang tulis ng dulo niyon. Napangiwi siya. Hindi ba nagkakakalyo ang mga paa nito sa taas ng heels at naasiwa sa tingin na ipinupukol ng mga nakakasalubong? "Anong block mo ngayong sem?" Sumabay ito sa paglalakad niya. "Uhmm, wait.." kinuha niya ang registration form sa bulsa ng maliit na bag pack na suot niya at chineck ang nakafold na papel. Magkaklase kasi sila last sem kung saan nga niya unang nakilala ang babae. "N101 room 102," sulyap niya dito. Tumingin din ito sa papel na hawak at lumapad ang pagkakangiti. "Shaks! Magkaklase ulit tayo, bruha! My god, may makokopyahan ulit ako ng mga assignment!!" Naiiling at nangiti na lang si Ataska, sanay na siya sa ugali ni Elena. Mabait naman kasi ang babae kahit may pagka-liberated. "Teka nga, akala ko ba hindi ka mag-eenroll this sem? nagtatakang tanong niya habang tinatahak nila ang daan patungo sa classroom. Noong huling magkausap kasi sila nabanggit nitong short daw ito sa budget kaya wala sanang balak mag-enroll, tulad kasi niya self supporting student din si Elena ang kaibahan nga lang kargo ni pati tuition dahil wala namang nag-ssponsor dito 'di tulad niya. Ngumisi ito. "Mayroon na ako bagong raket ngayon, sissy! kita mo 'to?" iniangat nito ang isang kamay at ipinakita sa kaniya ang suot nitong relo na Michael Kors. Sinipat niya iyon. "Totoo 'yan?" Ang alam niya kasi mahal ang ganoong signature watch. Mayabang itong tumango-tango. "At hindi lang 'yan... fully paid ko na ang tuition this sem." Namilog ang mga mata niya. "Ano bang raket 'yan?" curious na tanong ni Ataska. Baka pwede siya dun. Mukhang nabasa nito ang nasa isip niya. "Nah... you're too naive para dun, konsensya pa kita kapag nagkataon." iling nito. Ha? Anong ibig niyang sabihin? Magtatanong pa sana siya sa kaibigan nang higitin na siya nito papasok sa classroom. MAINGAY at magulong mga kaklase ang bumungad kina Ataska. First day of class. May mga mangilan-ngilang nadagdag sa block nila pero halos lahat ng kaklase niya last sem ay kaklse pa din niya ngayon. "GIRLS, here!" Sabay sila napalingon sa kanang bahagi ng silid kung saan kumakaway si Margaux. The total opposite of Elena. Masyado kasing conservative ang kaibigan niyang ito na tulad ni Elena ay nakilala niya last sem. Para ding laging may menstruation kung makataas ng kilay at magtaray sa kahit nakikipag-usap lang. Sa tatlo si Ataska ang neutral ang personality. Hindi gaanong konserbatibo at hindi rin naman liberated. As for her appearance, every person that knows her. Will describes Ataska as snow white. Maputi kasi ang kutis niya, itim at makitab ang bob cut hairstyle at ang madalas umagaw pansin sa mga kalalakihan ang natural at mapulang labi kahit walang lip stick o lip tint. Elena always teased her that her lips is seductively sexy na kahit sinong santo-santito maakit. Noon madalas mapagkamalan siyang anak ng foreigner na ipinagtaka rim niya, maraming taon niya na. Her parents both have a tanned skin. Inaasar siya noon ng mga kalaro, na ampon raw siya. Pero madalas sabihin ng nanay niya ipinaglihi daw kasi siya nito sa siopao kaya naging mala-porselana ang kutis niya. Naupo siya sa tabi ni Margaux. "Kanina ka pa dito?" "Oo, wala daw si, Ms. Alvarez," sagot nitong naglabas ng binder at ballpen. Naupo naman sa kaliwang side niya si Elena. Napapagitnaan siya ng dalawang babae. "Ow?" Umangat ang perpektong ginuhit na kilay nito bago kinuha ang compact powder sa loob ng bag. "Edi, mabuti first day! no class!" Nasisiyang anito at sinimulang mag-apply ng powder sa mukha. Nakasimangot na sumulyap dito si Margaux. Pinagmasdan ang babae mula ulo hanggang paa. "Duh, Elena? Is that a formal outfit kapag papasok sa university? Girl have some respect for yourself! Para kang papasok sa kabaret!" 'Di tulad nila ni Elena, si Margaux pinanganak na may silver spoon sa bibig. In short anak mayaman. Nakangising ibinalik ni Elena ang compact powder sa bag, dumekwatro kaya lalong nalantad ang mapuputing legs. Napalingon tuloy ang mga kalalakihan sa kabilang aisle na kinauupuan nila. "Excuse me?" at ito naman ang nagtapon ng mapangutyang tingin kay Margaux mula ulo hanggang paa. "Eh, ikaw? Mukha ka ngang sasamba sa mga anito sa quiapo sa suot mo. Jusko girl, no wonder! Walang nagkakamali sa 'yo! Tsaka don't call me Elena! Nandidiri ako! Sinabi ko na sa inyong Tiffany na ang pangalan ko from now on!" Hindi niya alam kung matatawa o mapapangiwi sa dalawa. Nagsisimula na naman kasi ang mga ito sa walang katapusang diskusyunan. Tuwing umaga almusal na niya ang bangayan ng dalawang kaibigan. Lalong nalukot ang mukha ni Margaux. "Duh, atleast... I'm never been kiss, never been touch! Nirereserve ko kasi sa lalaking worthy, unlike you..." umismid ito at umirap. "Such a slut---" "Uy, tama na 'yan... ang aga-aga nagbabangayan kayo," nakangiwing umawat na si Ataska. Baka mauwi na naman sa below the belt na salitaan ang dalawa. Sumandal at tumirik ang mga mata ni Elena. "Alam mo, Sis. 'Wag ka masyadong dumidikut d'yan at baka mahawa ka... parang magmemenopause na, eh." Kumapit sa braso niya si Margaux. "Duh? Diyan ka huwag magdidikit, Aska. Baka mamaya niyan mahawa ka pa ng herpes!" Parang nandidiring nag-iwas ng tingin ang mga lalaking nakaupo sa kabilang isle sa narinig na sinabi ni Margaux samantalang kanina lang naglalaway na nakatunghay kay Elena. "Oy! Ang kapal ng mukha mo, wala akong herpes 'no! Ikaw baka tadtad ng galis kaya laging mahaba ang suot mo!" huramentadong inis na mahinang singgal ni Elena. "Guys, Enough... para kayong mga-" maamoy ang pamilyar na panlalaking pabango. Agad na lumipad ang mga mata niya sa pintuan ng silid. At ganon na lang ang bahagyang pag-awang ng kaniyang mga labi nang makita kung sino ang papasok sa classroom nila. Si Fletcher Wolfhard, the hottest professor in the campus! Marami din naman talagang hot mess na maituturing sa university, tulad na lang ng walang kamatayan na usap-usapan ng mga babae na si Sebastian Razon, na kung magkakaroon siguro ng hall of famer na campus crush una sa listahan ang lalaki. Pero syempre hindi papahuli si Fletcher. He's in his late thirties at sa edad na iyon ng lalaki'y hindi nabawasan ang kakisigan nito. Ang abohin mga mata na kung tumitig ay tagos hanggang buto, bumagay sa makapal nitong mga kilay at pilik mata. Ang prominenteng panga at ilong ay nagbigay ng awtoridad sa anyo ng lalaki. Yung tipong titigan ka pa lang, mauutal ka na. Ang sensuwal nitong mga labi na minsan lang kung ngumiti ay nakadagdag sa mala-misterysong datingan nito dahilan para lalong ma-hooked at maging usap-usapan ito ng mga kababaihan sa campus. At syempre ang paborito niya... weird na kung weird pero turned on kay Ataska ang adams apple nito, na sa mabibilang na pag-uusap nila'y nasusundan niya ng tuwing gagalaw at hindi niya mapigilang mapalunok sa mga pagkakataong iyon. He's also definitely an eye catcher with his 6 ft and 2 inch height talagang stand out ito. Na tuwing mapapadaan sa hallway ng walang hindi mapapalingon na estudyante at faculty members na babae dito. 'May iba pa ngang inaamoy-amoy ang dinaanan ng batang propesor. Ikaw ba naman kahit walang pabango nanunuot pa din ang natural male scent nito. Well, maraming nagsasabi he's the Henry Cavill/ Man of steel ng Pinas. No wonder kaya sangkatutak ang nagccrush dito pati mga babaeng prof at faculty members. Muli ay pasimple niya itong tinitigan. At katulad sa mga rom-com movie na napapanood niya parang nag-slow motion ang paglalakad nito, fixing his eye glasses, stroking his finger through his hair and then he looked at her... they're eyes met and locked... Naglakad ito papunta sa kinaroroonan niya at dahan-dahang iniangat ang kaniyang mukha tsaka unti-unting bumaba ang labi sa labi niya. He's going to kiss me! Nang maglalapat na ang labi nila... "Huy!" mahinang tampal ni Elena sa nguso niya. "Anong nangyayari sa'yo? Bakit kumikibot-kibot 'yang nguso mo?" Napakamot siya sa pisngi. Nanaginip na naman pala siya ng gising. Namumulang nag-iwas tuloy siya ng tingin. "Nag-daday dreaming na naman 'yan!" sabat ni Margaux at ininguso ang professor na inaayos na ang table nito. "Haaay... ang swerte nga naman oh, isipin niyo yun... ang pinaka hottest na prof pa sa campus ang substitute ni Ms. Alvarez," Sumalong-baba si Elena "tsaka mga gurl, ang tangkad niya 'no? Malaki siguro 'yan,"at namungay din ang mga mata tulad ng ibang estudyanteng nakatunghay lang din kay Fletcher. "Yeah right," sang-ayon ni Margaux at sumalong-baba din. Himala ang ganitong mga pagkakataon na magkasundo sa isang opinyon ang dalawang kaibigan. At anong malaki? Hindi na niya naisatinig ang katanungan nang magsalita ang batang propesor. "Good morning, Class." Bati nito pagkatapos buksan ang laptop at tumayo pasandal sa gilid ng table. They all stand up. "Good morning, Sir Wolfhard!" Tumango ito at sinenyasan silang maupo ulit. Nagpatuloy na naman ang mga kaklase niyang magbulungan na parang mga tsismosa sa kanto. "Before we start," Inikot nito ang paningin saka tumingin sa pambisig na relo. Na ikinatahimik ng mga nagbubulungan. "Let me introduce myself." Anito't lumakad patungo sa white board at isinulat ang buong pangalan nito. "I'm Fletcher Yvo Wolfhard. . ." Parang hangin na lang sa pandinig ni Ataska ang mga sumunod na sinabi nito. Habang pinagmamasdan ang lalaki. Sino bang hindi nakakakilala dito? Bukod sa pagiging professor sa subject na General Psychology ay ito rin ang pinakabatang Dean sa university. Ang bali-balita mula nang mapatalsik ang asawa ng dating dean na nananamantala ng mga estudyante naging matunog ang pangalan ni Fletcher he was just a new comer that time kaya maraming ang nagulat na ito ang ipinalit sa dating dean. Oh, well, mukhang hindi naman nagkamali ang mga board members sa pagpili dito dahil ayon sa mga naririnig niya, he perform way better than the last dean at madali rin daw lapitan ang lalaki kung magkaproblem ka sa mga grades mo or anything related na saklaw nito sa pagiging dean. "I will be teaching you, maybe a few months 'til Ms. Guevarra recover from her maternity operation. Alam ko familiar na ang iba sa'kin dito since I was at your orientation last sem. Uunahan ko na kayo I'm strict with attendance, I need valid reason kung bakit kayo lumiban sa klase. Wala tayong magiging problema just do your homework and participate in class." Itinaas nito ang hawak na marker. "Any question? So, we can start our topic this morning." Muling nagbulungan ang mga kaklase niya at hindi pa man nakakapagtanong ang mga ito nang mabaling ang atensyon nila sa bagong dating na kaklase. What? Kaklase ko na naman 'tong lalaking 'to? Is this some kind of a joke? Gusto malukot ng mukha ni Ataska. Habang sinusundan ng tingin ang lalaking akala mo sigang naglalakad papasok sa loob ng classroom. Kaklase na naman pala niya ang sugo ng kadiliman. The younger Wolfhard, Finn. The so called "Bad Boy" ng campus. Pinagsalitan niya ang tingin sa magkapatid na nagsusukatan ng titig at tila may namumuong tensyon...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.1K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
474.8K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
327.2K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
824.9K
bc

Payment of Debt

read
86.5K
bc

CLOSER

read
138.6K
bc

My Husband's Mistress

read
297.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook