“Mukhang ayaw nga sa akin ni Reid,” saad ko habang nakatingin sa aking sarili sa salamin. Napakakalat kong tingnan, maliban sa magulo kong buhok ay wasak ang damit ko. Hinubad ko ang shirt at nalantad sa akin ang leeg at dibdib kong may mga kiss and bite marks. Dapat sana ay galit ako sa kanya pero ang nararamdaman ko ay awa. Para bang alam ko kung saan siya nanggagaling. Matapos mag-shower at magbihis ay bumalik ako sa kwarto ni Reid upang punasan ito. Dahil dito ay nagkaroon ako ng pagkakataong matitigan ang mukha nito. Hindi naman siya nakakatakot tingnan kapag tulog. “Kung sana ay magagawa lang ako para sumaya ka ay ginawa ko na.” Palabas na sana ako ng silid nang makita ko ang kwintas kong nakapatong sa mesa. Walang pagdadalawang isip ko iyong kinuha at isinuot. Maaga akong nagisin

