Amber’s POV “So, ano na ang plano?” rinig kong tanong ni Luke mula sa aking tabi. Tahimik lang ako ngayong nakaupo sa backseat habang si Luke naman ay nasa tabi ko pa at hindi ko alam kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Hindi rin naman nakamulat ang aking mga mata kaya pawang ang maitim na imahe lang ang siyang tanging laman ng aking paningin ngayon. Huminga ako nang mas maluwag. Ilang minuto na rin ang lumipas at hindi pa rin kami umawat. Kanina pa kami nakaupo rito ni hindi pa nga kami nagbibihis ng mga saplot naming nakakalat pa sa sahig nitong kotse at ni isang piraso ay wala pa kaming nadampot roon. “Ang umuwi. Bakit? May ibang plano ka pa ba?” tanong ko sa kaniya. I slowly open my eyes and look at him. Ang imahe niyang nakahubad ang kaagad na bumungad sa aking paningin. Hindi

