Two Years Later Amber’s POV “Mommy, matagal ka pa riyan?” ang boses na kaagad bumalot sa aking tainga. Hindi ko muna iyon pinansin sa halip ay nagpatuloy na lang ako sa pag—aayos. Ilang segundo pa ang lumipas nang marinig kong muli ang boses niya. “Mom! Pinapatanong ni daddy kung aalis pa ba tayo?” muli na naman niyang sambit sa akin. It was Calixto, our first born. Hindi ko alam pero halos lahat ng ugali niya ay nagmana sa kay Luke. Kung paano siya magsalita at kung paano kumilos ay talagang nakikita ko sa kaniya si Luke. Para siyang isang little Luke. “Teka lang, baby. Kunti na lang.” wika ko sa anak namin. Sa sandaling ito ay pinagpatuloy ko na lang ang pag—aayos sa aking sarili. Mula sa aking kilay, sa aking pisnge at sa aking labi. “Mom, ilang araw ka pa po matatapos diyan?” t

