Amber’s POV Wala akong planong umalis sa gabing ito. Nagtext sa akin si Luke kanina na lalakad raw kami ngayon pero tumanggi ako. Bukod sa may trabaho ako bukas ay napagod rin ako nang husto sa ginawa namin ni Luke sa loob mismo ng aking kuwarto noong isang gabi. Hindi pa ako handang gumala at maglibot—libot sa siyudad kasama ang lalaking ito. Pero nang si nanay na mismo ang nag—tulak sa akin ay wala na akong ibang nagawa pa. Sinubukan ko naman ang tumanggi sa kay nanay. Tulad kay Luke ay tinanggihan ko si nanay, tinanggihan ko ito noong una pero hindi niya ako tinigilan hanggang sa makuha niya ang aking pahintulot. Hindi ko alam kung ako pa bai tong tinuring anak ni nanay o baka nagbago na at si Luke na iyon. Matindi ang pagkampe niya sa kay Luke. Ni hindi ko alam kung bakit kinukumbi

