bc

Melting her Cold Heart

book_age16+
2.4K
FOLLOW
9.0K
READ
possessive
tragedy
comedy
gxg
bisexual
disappearance
enimies to lovers
sassy
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Tumakas si Paris Walters sa gustong magpapatay sa kanya at kinupkop siya nang mayamang magasawa at inalok siya bilang anak nila subalit merong problema dahil magpapanggap siyang anak bilang lalaki. Kakayanin niya ba ang pagpapanggap o isusuko nalang niya ang sarili niya sa taong gustong magpapatay sa kanya.

Sa pagpasok nito sa eskwelahan lalo pang nadagdagan ang problema niya nang mainlove ang Queen Bee na si Rachaelle Grey na minarkahan na siya bilang boyfriend nito.

chap-preview
Free preview
Chapter One
PARIS WALTERS           Hingal na hingal ako habang tumatakbo patingin tingin sa paligid hanggang sa napadako ang mata ko sa mga malalaking halaman na pwede kong pagtaguan. Lumingon ulit ako para makasigurado akong walang makakakita sa akin nang wala akong napansin na mga armadong lalaki tumakbo na ako doon at mabilis na nagtago.   Lord! Tulungan mo akong maka alis sa impyernong lugar nato   "Habulin niyo si Ma'am Paris hindi pa nakakalayo yun" nakaramdam naman ako ng kaba ng marinig ko ang boses na yon pinipilit kong huwag magpadala sa takot napansin ko ang mga anino nila dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan at ang ilaw na nagmumula sa labas ng mansion. Hanggang sa nakita ko na nga sila napalunok ako dahil nasa sampung katao sila na armado at kanya kanyang hawak na baril.   I need to get out of here "Yes bossing" sagot nila at nagsimula na silang mag kanya kanyang lugar na pupuntahan tanging ang leader nilang si Japot at ang kanang kamay niyong si Tikboy ang naiwan sa labas ng pintuan.   Nagsindi ito nang sigarilyo at bumuga bago nagsalita "Hindi ko maintindihan ang boss natin kung bakit ayaw niya pang patayin yang step daughter niya dahil isa lang sagabal si paris sa yaman na makukuha ni boss" ani ni japot napakuyom naman ako ng kamao dahil naalala ko ang kawalang hiyaan na ginawa nila kay daddy at ngayon pati ako gusto nilang isunod.   "Yan din ang pinagtataka ko dahil maraming pagkakataon ang sinayang ni boss, pero kung sabagay mahina si paris kayang kaya siyang hawakaan sa leeg ni boss" sagot naman ni tikboy at kinuha naman ang isang stick ng sigarilyo at nagsindi na din.   Traydor! Sigaw ng utak ko dahil pinagkatiwalaan ni daddy ang dalawang yan pero walang alam si daddy na tina-traydor na pala siya ng tauhan niya na ang loyalty nasa step mom ko. Pitong taon na silang nagt-trabaho sa pamilya namin tinurin na namin silang kapamilya pero sila pa pala ang magtataksil sa amin at palihim nilang nilalasom ang daddy ko at ginawa nilang baliw kaya nagkaroon sila ng dahilan para ipadala sa mental hospital.   Wala akong nagawa dahil mas malakas at makapangyarihan ang step mom ko hindi ko kayang ipagtanggol si daddy. Hindi pa ako 18 years old para makuha ang mana ko kaya wala akong kalaban laban.   Naririnig ko naman ang mga yabag "Ano nakita niyo na ba si paris?" tanong ni Japet sa kanila sunod-sunod naman silang umiling "Bossing daig pa ang daga kung magtago hinalughog na namin ang buong mansion pero wala kahit anong bakas ni paris" sagot naman ng isa sa kanila galit ang rumehistro sa mukha ni japet at inis na tinapon ang sigarilyo at inapakan yun.   "Mga bobo! Isang babae lang hindi niyo pa nahuhuli gusto niyo bang ipakain ko sa inyo itong bala ha" galit na sabi nito at tinutukan sila ng baril kaya naman napaatras sila sa takot na baka tuluyan sila ng bossing nila.   "Hanapin niyo siya kung ayaw niyong isunod ko kayo kay rudy" napatakip naman ang bibig ko dahil si rudy ang mabait na driver ko natagpuan siyang patay sa isang madilim na lugar pinanghihinalaan na na hit and run ito at hindi matukoy ang sarilin pero ngayon alam ko na kung sino ang may gawa kung bakit namatay ang pabirito kong driver.   "Wag naman bossing may pamilya kaming sinusuportahan" sagot naman ng isa na sinang-ayunan nilang lahat. "Kung ganoon umalis kayo sa harapan ko at wag na wag kayong magpapakita sa akin ng hindi dala dala si paris" ma-awtoridad na sabi ni japet agad naman silang tumalima hanggang sa nawala na sila sa paningin ko "Tara na tikboy sumunod na tayo sa kanila dahil baka anumang oras tawagan tayo ni boss at tiyak na magagalit pag nalaman niyang nawawala si paris" sabi nito at pumunta sa likuran ng mansion luminga linga naman ako sa paligid pagapang na pumunta ako sa isang puno na nasa gilid ng pader bata pa lang ako paborito ko natong akyatin kaya naman nagagalit sina mommy at daddy dahil takot silang malaglag ako.   Nagumpisa na akong umakyat "Shit" mahinang napamura ako dahil naputol ang sanga muntikan la akong mahulog mabuti na lang nakakapit ako sa kabilang sanga "Kaya mo to paris, kailangan mong makatakas dito" usal ko sa sarili ko at humakbang na paakyat ng puno natatanaw ko na ang labas ng mansion.   Madilim walang poste ng ilaw at ang mga bahay malayo dito kaya naman kahit sumigaw ako walang makakarinig sa akin. Ang mga trabahador pinalipat ng step mom ko at kinulong ako sa loob ng kwarto para hindi ako makapag sumbong at makahingi ng tulong sa kanila. "Bossing si paris nasa taas ng puno" napatingin naman ako doon isang lalaki na patuloy nagsisigaw para sabihing nakita na niya ako nagpatuloy akong umakyat hanggang sa nakatungtong na ako sa pader.   Ang kailangan ko na lang ang tumalon at tumakbo palayo. "Paris bumaba ka diyan" may pagbabantang sabi ni japet "Hindi ako magdadalawang isip na barilin ka"   "Japet hindi mo siya pwedeng barilin kabilin bilinan ni boss yon" paalala ni tikboy sa kanya pero hindi pa din niya binababa ang baril na nakatutok sa akin.   "Bullshit" sigaw nito at binaba ang baril "Bumaba kana paris dahil hindi ka din naman makakawala sa tingin mo ba makakatakas ka sa amin ha? Kaya bumaba kana kung ayaw mong masaktan ka" alam kong nagpipigil lang ito ng galit dahil natatakot siyang may gawin sa kanya ang step mom ko.   Gaano ba siya ka demonyo at lahat sila takot sa kanya   "Mas mabuti pang patayin niyo na lang ako dahil hinding hindi ako magpapahuli sa inyo" ganting sigaw ko at bago pa sila makasagot ay tumalon na ako.   "Fuck" daing ko dahil tumama ang tuhod ko sa bato agad akong tumayo kahit nahihirapan na bago pa nila ako mahuli. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makalayo sa mansion nagtago ako sa masukal na lugar at doon ako bumaba at nagtago dahil narinig ko ang tunog ng sasakyan  "Nasaan na ang lintek na babaeng yon?" galit na sigaw ni japet hindi nila ako nakikita dahil nakahiga ako sa damuhan parang bangin siya at sa ilalim ako nagtatago. "Mukhang nakalayo na boss" sagot naman ng isa sa tauhan niya nakahinto kasi ang sasakyan malapit sa kinaroroonan ko "Bwisit! Michael paandarin mo na hindi siya pwedeng makatakas" utos nito nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala na sila sa paningin ko.   Tumayo ako at naglakad palayo kung saan taliwas ang pinuntahan nila napahinto ako ng may liwanag na nakakasilaw sa paningin ko at sa tingin ko isang sasakyan yon.   Oh God!   Narinig ko na lang malakas na kalabog unting-unti akong natumba mamatay na ba ako? Hanggang dito na lang ba ako?   Unting -unti napapapikit ang mga mata ko may naaninag akong dalawang tao hindi ko sila makita ng maayos dahil nanlalabo na ang paningin ko may sinasabi sila pero kahit isa wala akong naiintindihan.   Naninikip na din ang dibdib ko hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

The Sex Web

read
130.2K
bc

Stubborn Love

read
98.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.2K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook