Vaniella's POV Wala akong naabutan sa ibaba pagdating ko sa bahay ng mga biyenan ko kaya walang kumwestiyon sa akin kung bakit ang aga kong umuwi. Baka may pinuntahan si Mommy Charmel samantalang si Daddy Vince ay alam kong pumasok sa trabaho dahil may meeting ang buong company nila. The rest of the family members, pumasok din sila sa HNU kasabay ko kaninang seven thirty ng umaga. Diretso kwarto ako at nagkulong. Itinulog ko ang sama ng pakiramdam na nararamdaman ko kasabay ng pagbagsak muli ng mga luha ko. Kanina pa ako umiiyak sa sasakyan. Alam kong nakikita akong umiiyak ng driver/bodyguard na iniwan ni Hakan para magsilbing mga proteksyon ko rito sa La Union. Subalit wala na akong pakialam kung magsumbong man sila o hindi kay Hakan. Hindi na ako importante sa kaniya kaya malamang

