Vaniella's POV Nagising ako na wala sa tabi ko si Hakan. Nag-panic agad ako at parang maiiyak na bumangon sa kama ngunit umurong ang luha ko nang makita kong nag-iwan siya ng note sa ibabaw ng side table na una kong nalingunan nang makaramdam ako ng panic. I thought panaginip lang ang lahat ng nangyari kahapon. Buti na lang hindi dahil hawak ko iyong note na iniwan niya para siguro hindi ako mataranta kapag nagising ako na hindi ko siya nakita sa tabi ko. “Good morning, my queen. Siguro nag-panic ka agad at muntik ng maluha nang hindi mo ako makita paggising mo? Ha ha ha!” Malakas na basa ko sa intro ng note. Napalabi ako. Nakuha pang mang-asar talaga ng lalaking iyon kahit sa note lang. Tinawanan pa talaga ako.Pakiramdam ko tuloy nag-e-echo sa pandinig ko ang tunog ng halakhak niya.

