Vaniella's POV “Mommy, ayos na po ako. Kahit huwag na po tayong tumuloy sa ospital,” wika ko kay Mommy Charmel habang nasa biyahe na kami patungo sa ospital ni Uncle Justin. Mabuti na ang pakiramdam ko. Hindi na ako nahihilo at nasusuka. Parang gusto ko na lang kumain ng kulay dilaw na pakwan at malamig na pineapple juice. Tapos matutulog ako buong maghapon at gabi na magigising. Alam ko naman na ipu-push pa rin ni Mommy Charmel ang pagtungo namin sa ospital para malaman ang aking kalagayan. Nasa kalahati na kasi kami ng daanan. Kung bakit naman kasi sa kalagitnaan pa ng biyahe bumuti ang pakiramdam ko. Hindi na kami sinundo ni Daddy Vince roon sa kanilang bahay dahil hihintayin na lang daw niya kami sa labas ng ospital ng kaniyang kaibigan para hindi na siya umuwi. Tutal, malapit na

