bc

My Seven Brothers and I (COMPLETED) (TAGALOG)

book_age12+
7.1K
FOLLOW
28.4K
READ
family
brave
drama
comedy
twisted
sweet
secrets
like
intro-logo
Blurb

Ipinatapon daw si Kim ng kanyang magulang dahil isa siyang babae. Yun ang sabi sa kanya ng tumayo niyang nanay. Paano kung isa sa mga kapatid ni Kim ang matagal na palang may gusto sa kanya.

Ano ang susundin ni Kim?

Ang kanyang pusong unti unti nang nahuhulog sa kanyang kapatid o ang katotohanang hindi sila pwede dahil magiging i****t sila.

Tunghayan ang magulo at paikot ikot na buhay ni Kim at ng kanyang pitong mga kuya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Beginning
Kim POV "Malandi." "Ang panget naman niya." "Kahit kelan hinding hindi siya magugustuhan ng pito." "Kapal ng mukha niya para lumapit sa pito." Iilan lang yan sa mga panlalait sa akin. Kung alam niyo lang. Puro na lang sila panghuhusga. Wala naman akong ginagawa sa kanila. Masama bang lumapit at kausapin ang mga kapatid ko? Samantalang ako eto binubully lang at pinagtatawanan. Sabagay wala nga palang nakakaalam na kapatid nila ako kasi ang magaling kong mga magulang tinapon ako at pinabayaan dahil isa akong BABAE. Buti na lang at may nakakita sa akin. At saktong naging yaya pa dati sa mansion ng mga magulang ko. Hindi ko maiwasan na hindi mainggit sa kanilang mga kuya ko. Halata naman kasi sa kanila na laki sila sa masaganang buhay. Samantalang ako kailangan ko pang magtrabo para mabuhay. Paano ko nalaman na kapatid ko sila? Di ko kasi sinasadya noon na marinig ang usapan nina Nanay Lory at Tito Jed noong bata pa ako. Hanggang sa kinulit ko na nang kinulit si Nanay Lory tungkol doon. Hindi naman niya ako natiis at sinabi na rin niya sa akin ang buong katotohanan. Wala akong balak na sabihin sa kanila ang katotohanan dahil wala akong lakas ng loob. Natatakot ako na baka hindi nila ako tanggapin. Baka itakwil nila ako ulit. At yun ang hindi ko makakaya. Kaya naman hanggat maaari ay iniiwasan ko sila. Pero may pagkakataon na gusto ko na silang yakapin. At sila pa nga ang nangunguna para bullihin ako dito sa school. Napangiti na lang ako ng mapait habang tinitingnan sila. Hindi ko na namalayan na may nabunggo ako. "K-kuya?" Mahinang sabi ko nangunot naman ang noo niya. Narinig niya ata. Patay! Naramdaman ko na madaming matang nakatingin sa amin ngayon. "S-sorry." Nauutal kong sabi sa kanya. "Tsk. Tabi nga." Sabi niya sabay tinulak niya ako kaya naman napaupo ako. Narinig ko naman ang tawanan nila. Kapag kaya nalaman nilang kapatid nila ako ganito pa rin ba kaya ang trato nila sa akin? Napapaluha ako. Tumayo na lang ako bago pumunta ng classroom. Nandito na nga pala ako sa room. At kaklase ko ang pito. Nung nasa pintuan na ako tumahimik sila. Akala ko hindi na nila ako pag tritripan. Pero nagkamali ako kasi maya maya may nabuhos sa akin na tubig. Nag simula naman silang magtawanan tiningnan ko ang pito at sila pa ang nangunguna sa pagtawa. Kahit basang basa na ako pinili ko pa ding umupo na lang sa upuan ko. Kaso nung paupo na ako may humila ng silya ko kaya naman sa sahig ako napaupo. Ang sakit! "Ang tanga mo naman." Sabi ni kuya Ken habang tumatawa ng malakas. Tiningnan ko na lang sila at nag simula nang tumulo ang luha ko. "Magpalit ka muna. Mukha ka nang tanga jan halika." Gulat ang lahat pati na ako. "Kuya Keith." Mahinang bulong ko. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa locker niya. May binigay siya sa akin na pang p.e niya. "Bilisan mo. Baka malate pa ako sa kabagalan mo." Pag susungit niya. "Salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya. Kahit na masungit siya mabait din naman pala siya. Napapangiti ako habang nagpapalit ng damit. Nag ring na hudyat na uwian na. Hindi ko napansin dahil sa malalim kong pag iisip. Nandun na kaya si tito Jed? Sana hindi nanaman siya nakainom kundi kawawa ako. Siya ang asawa ni nanay Lory. Si nanay Lory naman ang nakakita sa akin nung itapon ako ng mga magulang ko. Napabait niya sa akin. Tinuring niya akong parang totoo niyang anak. Samantalang si Tito Jed naman napaka sama ng ugali. Simula nung bata pa ako lagi na lang niya ako pinag bubuhatan ng kamay. "Hoy! Bakit ngayon ka lang ha?" Sabi ni Loraine sabay hila sa buhok ko. "Araaay ko Loraine! Ang buhok ko." Pagmamakaawa ko sa kanya. "Aba!! Sumasagot ka na ha?" Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahila sa buhok ko. Hawak hawak ko naman ang kamay niya para naman mabawasan kahit papano ng konti ang sakit sa pagkakahila nila. Inalis ko ng paunti unti ang kamay niya. "KIM! LINTEK BAKIT WALA KA PA! KIM!" Narinig namin pareho ni Loraine ang sigaw ni Tito Jed. Ngumisi naman si Loraine sa akin. Nagulat na lang ako nung bigla na lang siyang umupo sa sahig at nagsimulang umiyak. "Aaaah!" Nagkunwari siyang tinulak ko kaya naman nakasalampak na siya ngayon sa sahig at hawak hawak ang braso niya na halata namang di nasaktan. "KIIIIIIM! Walang hiya ka! Wala kang utang na loob! Lakas ng loob mo na itulak ang anak ko." Sabi ni tito Jed habang sinasampal ako. Naramdam ko ang sakit ng pag sampal niya sa akin. Nalasahan ko din ang dugo sa labi ko. "KIM! JED!" Agad akong sinaklolohan ni nanay Lory nung sasampalin ako ulit ni Tito Jed. "T-tito hindi po hindi ko po siya tinulak." Pagpapaliwanag ko habang naiyak dulot ng sakit ng pagsampal niya sa akin. "Anong hindi hoy! Anong ibig mong sabihin na singungaling ako ha!" Sigaw ni Loraine sa akin. "Alam ko na hindi magagawa yun ni Kim sayo Loraine." Pagtatanggol ni nanay sa akin. "Ma! Si Kim nanaman kakampihan niyo? Puro na lang Kim! Ako ang tunay niyong anak ! Ako ang nasaktan. Tapos si Kim nanaman?! Bwisit!" Sabi ni Loraine saka padabog na umalis. "Kitang kita ko kung pano itulak ng walang hiyang yan ang anak natin! Tapos siya ang kakampihan mo?! Letche at ikaw? Pag balik ko dapat nakaluto ka na ha! Walang kwenta!" "Ayos ka lang ba anak?" Tanong sa akin ni nanay Lory. "Opo nay pasenya na nag away nanaman kayo ng dahil sa akin." Ngiti kong sagot sa kanya kahit na ang sakit ng pisngi ko. Hindi ko pwedeng ipakita na nasasaktan ako. Ayokong makita na nasasaktan din si nanay. Niyakap ako ni nanay at ako heto umiiyak nanaman. "Sige na magluto na tayo. Tutulungan kita." Pinahid ni nanay ang luha ko saka kami nag luto. ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Godfather My husband

read
269.1K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
961.1K
bc

The Sex Web

read
130.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

NINONG III

read
362.6K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.3K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
285.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook