Kinabukasan pag gising niya mag isa na lang sa loob ng malaking silid ni Joaquin. Wala na ang binata sa sofa kung saan ito natulog kagabi. "Jaoquin," tawag niya sa binata sa bumaba sa kama. Dahil sa takot niya kagabi na matulog mag isa sa guest room, binulabog niya si Joaquin sa silid nito para makiusap na matulog siya sa silid ng binata. Mabuti na lang ang pinayagan siya nito. Bukod kasi sa takot ay hirap din siyang makatulog mag isa sa guest room. Marahil nasanay na siyang kasama si Joaquin sa iisang silid. Sa ilang gabing pananatili kasi niya sa ospital ay kasama niya si Joaquin matulog sa ospital room niya. Kaya nakakatulog siya ng maayos. Katulad na lang kagabi palipat niya sa silid ni Joaquin agad na siyang nakatulog ng mahimbing. Alam kasi niyang safe na safe siya basta kasama n