Umalis si Mikel upang makalimutan ang nobya na nanakit sa kanya. Nasira at nasaktan susubukan niya na buuin muli ang buhay.
Iniwan ni Tamara ang kan'yang pamilya dahil sa kapatid na nagbenta sa kan'ya sa isang matandang bilyonaryo na naghahanap ng babaeng magsisilang sa kan'yang anak. Dismayado at luhaan susubukan niya na ayusin ang buhay.
Ang dalawang may tinatakasan ay hindi sinasadya na magkrus ang landas isang gabi. Kinabukasan, nagising sila na ikinasal na sila sa isa't isa. Pareho silang tumakbo palayo sa gulo, ngunit ang nangyari noong nakaraang gabi ay nagpagulo lalo sa kanilang buhay.
Mananatili kaya ang mga tumakas sa pangako ng kanilang kasal upang makadama ng tunay na pagmamahal, o pareho silang makakahanap ng dahilan para takasan ang isa't isa?
Alyana Dominguez, biggest bully ng Elite High.
Niccolo Madrigal, galit sa bully.
Paano na lamang kung ang bully ay ipagkasundo sa isang taong galit sa bully?
When the Bully meets the Love Match, will they find true love in the end or match made in hell ang kalalabasan?
Harper Mercader, isang babae na ginupo ng pagkakataon. Isang asawa na labis na nagmamahal ngunit naiwan na umaasa at nasasaktan. Muli na babangon at bubuuin ang sarili upang maipaghiganti ang kan'yang puso na nasugatan.
Evan Ruiz, isang lalaki na namumuhay sa galit at poot. Walang iba na hinangad kung hindi ang makaganti sa mga tao na nanakit sa kan'ya at sa kan'yang pamilya. Walang pipiliin ang kan'yang puso sa paghihiganti, lalo na sa babae na tinalikuran siya sa kanilang kasal.
Sa mundo ng pagkabigo at pag-aalinlangan; Sa mundo na puno ng galit at paghihiganti; Sa mundo ng lokohan at pagtatraydor; May tunay na pag-ibig pa kaya na sisibol?
Isang babae na nagmahal sa maling tao at maling pagkakataon.
Pilit man pigilan ang damdamin, pag-ibig pa rin ang mananaig.
Isang lalaki na naiipit sa pagmamahal ng nakaraan at kasalukuyan.
Sino ang pipiliin? Sino ang palalayain?
Mga puso na pinagtagpo-tagpo;
Kaninong pag-ibig ang mananaig?
Maaari ba na maging tama ang pag-ibig na sa una pa lang ay alam nang mali?
“You wanted freedom more than you wanted my love. And I am willing to give you that freedom to show you how much I love you”.
-------------
Milani Icel Sandoval is not your ordinary rich girl. Ang motto niya na “What Icel wants, Icel gets” ay kanyang pinaninindigan sa kahit kanino. Malapit na rin niya makuha ang pangarap niya na makatakas at makalayo sa kanyang pamilya. Ngunit hindi inaasahan na magkukrus ang landas nila ni Markus Ice Sebastian. Ang lalaki na naging ultimate crush niya at gagawin niya ang lahat upang pati ito ay kanyang makuha. Pero ano nga ba ang pipiliin niya, ang pangarap o ang reyalidad? Sa mundo ng walang kasiguruhan kaya nga ba niyang pumusta at itaya ang lahat-lahat para sa lalaki na mahal? O mas matimbang ang pangarap niya na makalaya sa mga magulang?
Markus Ice Sebastian, nagmahal ng hindi inaasahan. Pilit man niya na pinaglabanan na mahalin ang babae na nagpapasakit ng ulo niya sa huli ay bumigay rin siya. Naglakas ng loob na sumubok magtiwala at nangako na gagawin ang lahat para sa babae na mahal na mahal niya. Ngunit kaya niya nga ba na isuko ang lahat para sa babae na mahal niya kahit kapalit nito ay ang sarili niya na kaligayahan?
They met in the most unexpected way. When two worlds collide will there be a possibility that in the end both can say that they are each other’s “Mine to Love” or will this be just another sad love story?