NATAPOS na rin kami sa last destination naming tatlo, ang Musee de Rodin. Halos museum ang pinuntahan namin sa unang araw namin here sa Paris. Ang dami kong natutunan sa mga pinuntahan namin iyon. Balak nga namin magdinner sa labas pero sa mga nadaanan namin kanina ay puro puno ang restaurant. “Why not sa penthouse na lang tayo kumain, Renzo and Kenzo? Magpa-deliver na lang tayo? Makakamura pa tayo if ganoʼn and pʼwesto de tayong kumain sa may balcony at ang view natin ay ang Eiffel tower!” suggestion na sabi ko sa kanila. Napatingin sila sa akin at nakita ko ang pangiti nilang dalawa. “Thatʼs good idea, my darling!” “Right? Atin pa po ang venue and kita pa po natin ang pinaka-Eiffel tower po! And, iyong time natin ay hawak po natin kaysa nagmamadali po tayong kumain katulad kanina sa