“Renzo? Ano kaya ang dinner meeting today? Kinakabahan ako baka sabihin ni mommy sa atin na wala na siyang nararamdaman sa ating dalawa! Anong gagawin natin?” Dismayado ko siyang tinignan at napailing. Sumakay na ako sa car namin, ako ang magda-drive para mabilis kami makarating sa house nila mommy today. “f**k you, Kenzo! Tumahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong ngayon, alam mo ba iyon?” angil na sabi ko sa kanya at mabilis na pinaandar ang kotseng ito. Kinakabahan din ako but f**k sana hindi totoo ang sinabi ng gagong ito. Kasi kung totoo, mapapatay ko si Kenzo. Isang oras at kalahati nang makarating kami sa house nila mommy. Pinagbuksan kami ni Gio ng gate kaya pinasok namin ang car sa loob nila. Pagkahinto ko pa lamang ng kotse ay bumaba na ang gago, inunahan pa ako. “Mommy, na