“Sa wakas tapos na rin ako!” malakas na sabi ko sa aking sarili at napaunat ako. Isang taon na pala ang nakakalipas. Isang taon na akong secretary ni kuya Rash at by next next month ay balak na naming mag-review nina Lanie and Isa for licensure exam. Balak na namin maging ganap na nurse. Isang taon na rin nang huli kong makita si Bianca, ang babaeng nadatnan ko sa office room nila Kenzo. Hindi ko na ulit siya nakita simula noon, siguro nasabihan na siya ni Criza na tigilan ang kambal dahil sa akin silang dalawa! Akala naman niya maaagaw niya sa akin ang dalawa, I mean si Kenzo. Nawala ang init ng ulo ko nang maalalang hanggang 3PM lang ako ngayong araw dahil pupuntahan ko sina Renzo and Kenzo sa company nila sa Treasureʼs Wine. May date kami ngayong araw dahil monthsarry namin. Man