Irene  Malamig ang hangin na humahalik sa aking pisngi. Natatanaw ko ang mahinang hampas ng alon ng karagatan mula sa aking kinaroroonan. Marahan kong nilapat ang aking kamay sa cementadong beranda ng balcony na aking kinaroroonan, saka pinikit ang aking mga mata at huminga nang malalim upang malanghap ang nakaka-relax na hangin sa paligin, saka ako muling dumilat at ngumiti. Kasalukuyan kaming nasa isang lugar sa Palawan kung saan naisip ni Third na magbakasyon. Ang totoo, araw-araw kaming lumalabas simula nang magkaayos ang aming pamilya. Nais niyang sulitin ang bawat sandali na kami ay magkasama, nais niyang gumawa ng masayang alaala at punan ang pagkukulang niya sa anak naming si Ethan. Isang mainit na palad ang aking naramdaman na yumakap sa aking tiyan, dahilan upang bahagya ako

