Chantall's POV Kinakabahan ako dahil first time ko mamemeet ang pamilya niya. Lalo akong kinakabahan dahil makikita ko na naman ang ate niya ang sungit pa naman nun hindi ko alam kung bakit ganoon siya sa'kin. Pinakilala siya ni Xiel sa'kin noong minsan pumunta kami sa school ng ate niya. Sa Korea kasi ito nag-aaral. Maya maya pa ay nasa labas na kami ng mansion nila. Alam ko malaki bahay nila dahil naging stalker niya ako dati. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at inalalayan para bumaba. "Relax CL. mababait sila sigurado akong magugustuhan ka nila." Ngumiti lang ako saka tumango. Hindi ko magawang magsalita dahil sa kaba. Hinawakan niya ang kamay ko papasok ng mansion nila. Hindi pa rin mawala ang kaba ko parang may hindi magandang mangyayari kakaibang kaba ang nararamdaman