Chantall's POV Maaga akong nagising dahil first day namin ni Xiel sa school unang araw na babalik kami sa pag-aaral makalipas ng apat na buwan. Bumaba na agad ako pagkatapos kong maligo. Naabutan ko si Mommy at si Lolo na kumakain. "Good Morning po." Bati ko saka umupo "Kumain kana baka malate ka pa." Sabi ni Mommy. Tumango lang ako at nagsimula ng kumain. Maya maya pa ay.. "So kumusta kayo ng apo ni chairman Jung?" Tanong ni Lolo "We're good friends po." "I see. Narinig mo naman siguro nangyari kay Mr.Jung? May balita ka ba?" Tanong niya ulit "He's still under observation pa din po." "I see." Tipid niyang sagot. Hindi ko alam bakit naging interesado siya sa mga Jung at ganoon nalang siya magtanong. Kahit noon ay ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang mga Jung sa hindi ko malama